Thursday, July 29, 2010

Monday, July 26, 2010

UPDATE 054: Sunugan Rap Battle Royale Update 2

Ang mga nakalaban ni Dello ay sina Shehyee sa 1st round, sumunod si Juan Lazy, next si Jaymasta at sa finals naman si RBTO.

Nagpapasalamat ang ating hawzmate na si Dello ganun na din ang buong grupo ng Skwaterhawz sa lahat ng sumusuporta, mga katropa, mga kaibigan, mga ka facebook at sa lahat ng naniniwala. Syempre salamat sa buong Konektado lalo na kay Mike Swift, kay Loonie at kay J-Hon sa pag-oorganize ng event na ito (1st Sunugan Rap Battle Royale) na kung saan nanalo ang hawzmate nating si Dello. Salamat kay Pipoy John para sa mga larawan at pakikisama. Kina Pimpnoy, Regie, Daddy Joe, Corporal, Target, at kay Maiko maraming salamat sa inyo.

Para sa mga karagdagang larawan... bisitahin ang facebook account ni Pipoyjohn <-- click nyo lang!

Yung video? Abangan na lang... wag nang tanong ng tanong... salamat na marami sa mga di na magtatanong!

Special Update: Bilang pasasalamat ng grupo sa pagsuporta. May ilalabas na track sa Saturday ang grupo na pinamagatang "Session Skwat" abangan na lang...

UPDATE 053: Sunugan Rap Battle Royale Update

Congratz sa ating hawzmate na si Dello. 1st ever Sunugan Rap Battle Champion. Bukas na ang mga photos, videos, kwento at kung ano-ano pa. Salamat sa suporta.

Sunday, July 25, 2010

UPDATE 052: Sunugan Rap Battle Royale


Better late than never! ngayon lang namin na post na pupunta kami mamaya dito. Ang hawzmate nating si Dello ay kasali sa battle. KaFreddie's Bar sa Adriatico St. sa may Malate. Kitakitz sa Sunugan Battle at launching ng Civil Wat Mixtape. 200 pesos entrance fee. 2oo pesos civil war mixtape. MAMAYA NA TO! KITAKITZ!

Wednesday, July 21, 2010

TRACK 102: Vanjohn - Mahal Pa Rin Kita

DOWNLOAD: Vanjohn - Mahal Pa Rin Kita

Bagong track mula sa isa nating hawzmate na si Vanjohn. Download nyo na! Yung beat syempre produced ng Skwaterhawz' beat maker walang iba kundi si Zikk. Ito yung track na di ko alam kung kikiligin kayo, malulungkot, or baka makornyhan! hahaha.. pakinggan na lang. Yung lyrics nga pala nasa comment section. Para dun sa wala pang mixtape ID Mixtape ni Vanjohn pwede nyo pa rin idownload dito.

DOWNLOAD: Vanjohn - ID Mixtape

Monday, July 19, 2010

UPDATE 051: "Bwelta Balentong" Karagdagang Larawan


Salamat sa mga larawan galing sa facebook ni boss Elias Dhondi Diaz

UPDATE 050: "Bwelta Balentong"





Salamat sa Fliptop para sa mga event na ganito. Sobrang dami ng tao, at madami din ang di na nakapasok dahil kulang ang lawak ng lugar para sa mga gusto pang makapasok. Astig lahat ng battle. Maiinit ang laban sing init ng venue lahat malupet at nagstep up ng kani-kanilang battle. Higit sa lahat masarap ang mura na alak! Astig!

Salamat sa mga tropa na sumama. Bogz, Pipoy John, Angelo Pimpnoy, yung dalawa ding tropa natin na taga Tondo. Kina Corporal at Daddyjoe D! Maraming salamat! Salamat din kay boss Mike Swift sa libreng Konektado DVD.

Sa mainit na pagtanggap kay Dello maraming salamat sa inyong lahat. Di namin inaasahan na ganun ang suporta nyo. Salamat na marami.

Sa mga nagtatanong din kung bakit si Dello at Vanjohn lang ang nakapunta sa event. Pasensya na at may inaasikaso lang na personal ang dalawa pa nating hawzmate (Saint Michael at Zikk). Abangan ang grupo ng Skwaterhawz sa mga susunod pang event. Sa susunod APAT na kami!

TRACK 101: Dello - Babae Sa Computer

DOWNLOAD: Dello - Babae Sa Computer

Ito pa isang track na kasama sa mixtape ni Dello. Download na! Madami ding nakarating sa aming balita na di na raw nila madownload ang "Evolution Mixtape" ni Dello, nung chineck naman namin downloadable pa rin naman. Nasa baba ang link!

DOWNLOAD: Dello - Evolution Mixtape

Thursday, July 15, 2010

UPDATE 049: Fliptop Battle League Presents "Bwelta Balentong"

Kitakitz tayo. Pupunta ang grupo dyan! apir! para sa mga iba nyo pang katanungan nasa baba ang detalye! iclick lang!

Fliptop Battle League Presents "Bwelta Balentong"

Sunday, July 11, 2010

TRACK 100: Skwaterhawz ft. O.B, Aziatik - Selosa (Zikk & Saint Michael)

DOWNLOAD: Skwaterhawz ft. O.B, Aziatik - Selosa (Zikk & Saint Michael)

Isa sa mga classic hit. Nakakatuwa tong kantang to! hahaha... kung fan ka na nila Zikk o Saint Michael nuon pa sigurado meron ka na nito! lupet! Download nyo din yung nasa baba... kauna-unahang collab ni Zikk at Saint Michael na silang dalawa lang talaga at hanggang ngayon di pa din nasusundan! hahaha...

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Can't Help Stop Falling For You Bitch (Zikk & Saint Michael)

Friday, July 9, 2010

TRACK 099: Zikk ft. Yawasap - Mga Bobo At Tanga

DOWNLOAD: Zikk ft. Yawasap - Mga Bobo At Tanga

Lumang track na to at nahalukay lang namin. Ang lupet din nito! pakinggan nyo na lang.

Tuesday, July 6, 2010

UPDATE 048: Skwaterhawz Session (July 5, 2010)





Isang masaya at nakakapagod na araw para sa Skwaterhawz. Nagrecord si Vanjohn ng mga verses nya mula 10am hanggang 2pm. Dumating ang mga hawzmates na sina Zikk at Saint Michael kasama ang mga tropa na galing pa sa Tanza, Cavite na sina Sir Bern, Sir Martin, Sir George para makisaya sa Skwaterhawz. Nagrecord sila Saint Michael at Zikk ng mga verses nila mula 3pm-8pm. Maya-maya ay dumating din si Sir Reggie para makigulo. Dumating ang iba pang tropa na sina Pipoy John at Maira. Maya-maya dumating na din si "Dello ng Skwaterhawz" (hahahaha...) para din magrecord. Konti lang ang narecord ni Dello dahil maling usb ang nadala! (palpak!) tapos naginuman na. Umuwi din agad sina Dello, Reggie. Myra, Pipoyjohn makalipas ang ilang tagay. Nagwasakan ng pagkatao ang mga natira na sina Zikk, Saint Michael, Vanjohn, Sir Bern, Sir Martin, Sir George.

Maraming salamat ulit! apir!

Monday, July 5, 2010

TRACK 098: Saint Michael - 'Sang Daang Piso Mic

DOWNLOAD: Saint Michael - 'Sang Daang Piso Mic

Isa sa mga track sa Resume Mixtape ni Saint Michael. Makikilala nyo kung sino si Kingkong Mikropono dito sa track na 'to. Download na...

DOWNLOAD: Saint Michael - Resume Mixtape

Friday, July 2, 2010

TRACK 097: Skwaterhawz ft. Zelle - Sabihin

DOWNLOAD: Skwaterhawz ft. Zelle - Sabihin

Isa sa mga track na kasama sa ID Mixtape ni Vanjohn. Idownload mo ang kanta sigurado ako sasoundtrippin mo 'to. Syempre Skwaterhawz track yan! Kung wala ka pa ng ID Mixtape ni Vanjohn... aba i-download mo na.

DOWNLOAD: Vanjohn - ID Mixtape

Thursday, July 1, 2010

TRACK 096: Saint Michael & Pipoy John - Madamdaming Awit

DOWNLOAD: Saint Michael & Pipoy John - Madamdaming Awit

Isang madamdaming awit, ang lahat ng nandito sa kantang ito ay freestyle lamang. Mula sa gitara ni Pipoy John at malulupet na lyrics ni Saint Michael. Download nyo din yung classic na kanta nilang dalawa na pinamagatang "Paano Na"

DOWNLOAD: Saint Michael & Pipoy John - Paano Na