Tuesday, September 27, 2011

VIDEO 033: Freestyle Laseng Episode 04 (Part 1)



Isa sa mga lumang video ng Skwaterhawz. Muling nagbabalik ang Episode ng Freestyle Laseng. SKWATERRRRRRRR!

Wednesday, September 21, 2011

TRACK 173: Skwaterhawz - Back On The Scene (remix)


DOWNLOAD: Skwaterhawz - Back On The Scene (remix)


Dahil B-day ngayon ng Skwaterhawz ito ang regalo namin sa mga nagmamahal, naniniwala, kaibigan, at sa mga may ayaw sa amin. Abangan ang Slaughter X Skwater Mixtape free download lang kasama itong track na to sa mixtape na tinutukoy namin! SKWATERRRR!

UPDATE 103: 2nd Birthday ng Skwaterhawz

Bukod sa anniversary ng Martial Law ngayon (September 21, 2011)... kung di nyo naiitanong ngayon din ang birthday ng Skwaterhawz! 2years old na po kami mga ka-Skwater! Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa paglalakbay namin sa musika! SKWATERRRRRRRRRRRRR!

Monday, September 19, 2011

TRACK 172: Mongol Unit (Yawasap, Vanjohn, Dize) - Nababaliw


DOWNLOAD: Mongol Unit (Yawasap, Vanjohn, Dize) - Nababaliw

Bagong kanta na naman mula sa Mongol Unit kasama pa ang hawzmate nating si Vanjohn. Sobrang solid ng kantang 'to. Maeenjoy mo talaga at siguradong makakarelate ang karamihan! Download na!

Saturday, September 17, 2011

TRACK 171: Zikk - Huling Patak


DOWNLOAD: Zikk - Huling Patak

ito ang pinakabagong track mula sa hawzmate nating si Zikk. Sya din ang nag produced ng beat na 'to. Enjoy mga ka-Skwater!

Thursday, September 15, 2011

VIDEO 032: Dello vs Spade @ Flipotop Battle League "Ahon 2"



DELLO vs SPADE

ang intro song ng hawzmate nating si Dello sa battle nya kay Kial, Shehyee, pati dito kay Spade ay "Minsan Parang Tanga Ka" part2 ng "Minsan Parang Tanga Lang" at hindi mo ito matatagpuan sa Youtube. Hindi nya pa nilalabas to... kaya wag ka na mag-aksaya ng panahon sa paghahanap... kasama to sa You&Me Mixtape nya... bumili ka na lang... SUPORTA! SKWATERRRRRRRR!

Tuesday, September 13, 2011

TRACK 170: Skwaterhawz ft. Onek, M.C A.G, Damorero, Dize - Walang Iba (Romansa Espesyal All-Star)


DOWNLOAD: Skwaterhawz ft. Onek, M.C A.G, Damorero, Dize - Walang Iba (Romansa Espesyal All-Star)


Ang pinakabagong handog ng Skwaterhawz kasama pa ang mga tropa natin sa musika na sina Onek, M.C AG, Damorero, at Dize. Eto na ang kantang "Walang Iba" na magpapakilig sa inyo. Download na!

Friday, September 9, 2011

UPDATE 102: Kitakitz Mga Ka-Skwater

KITAKITZ TAYO MGA KA-SKWATER SA ROBINSON'S GALLERIA SA SUNDAY 9/11/11 NG 6PM PARA MAPANUOD ANG MOVIE PREMIERE NG SUNUGAN TWIN TOWERS... KAMI AY MAGDADALA NG SKWATERHAWZ T-SHIRT AT ID LACE PARA SA MGA GUSTONG BUMILI! SALAMAT! SKWATERRRRRRRRRRR!

Monday, September 5, 2011

TRACK 169: Mongol Unit - Crack A Bote


DOWNLOAD: Mongol Unit - Crack A Bote

Wala pang Skwaterhawz nung nagawa ang kantang ito. Mongol Unit pa lang nun pero nandito na ang tatlo sa Skwaterhawz at kasama pa ang iba. Ang line-up nito ay sila Santo, Vanjohn, Kyxz, Zikk, Dreh, Yawasap.

Friday, September 2, 2011

UPDATE 101: Bad News at Good News


Bad News:
- Umabot na ng September pero di pa rin naiilabas ang You&Me Mixtape. Ang rason kung bakit ay nasa good news.

Good News:
- Iba't ibang record label ang may gusto ng You&Me Mixtape ng hawzmate nating si Dello. Nasa negosasyon na to ng label at ni Dello kung kailan ilalabas at kung matupad man ito maibebenta ito nationwide. Pero kung hindi eh ok lang at independent moves ulit tayo... Skwater eh!
- Maglalabas ng isang track si Dello ngayong week mula sa kanyang You&Me Mixtape at ang pamagat nito ay FYI (Forever You & I).
- Kung panatiko na kayo ng Skwaterhawz mula noon ay alam nyo malamang na ang grupong ito ay nagmula sa Mongol Unit o ang M-Unit. May mga bagong member nga pala ang Mongol Unit ayun ay sina Omar Baliw, Papew, JMC, Hambog, at Dize. Ibig sabihin mas maraming musika kayong maririnig mula sa Skwaterhawz kasama ng mga yan.
- Kung papalaring matapos ngayong buwan ay maglalabas ang Skwaterhawz ng free download na mixtape ang Slaughter X Skwater Mixtape.