Friday, March 11, 2011

TRACK 136: Zikk - Sing For The Moment

DOWNLOAD: Zikk - Sing For The Moment

Isa na namang classic hit mula sa hawzmate nating si Zikk. Check nyo yung lyrics sa comment section. Unawaing mabuti ang mensahe ng kanta at napakalupet! Download na!

2 comments:

  1. para to sa lahat ng mga makata na katulad ko
    pakinggan nyo.....
    alam ko madalas d tugma ang ating pananaw
    iba ang mata ko sa mata mo pero pareho tayo ng ibig matamo
    ang makaakyat sa taas kaya kahit ang hintayin matagal
    at paulit ulit tayong bumagsak ay pilit natayo
    at d nasuko sa pangarap na nabuo nang mahanap
    ang musika ng idol mong sikat nung bata ka na sa puso natato
    kaya d nagpapaawat sa mga balak kahit mapahamak
    o makaapak ng iba sa mga hakbang kase meron tayong gustong maabot
    kaya kahit mahirap ang pera't parang nasa iraq sa giyera
    na mararanasan sa larangan ay nalaban ka't di ka natakbo
    kase itong napili mong pelikula't gusto mong maging sikat na bida
    na pinupuri't maging kauri ng iba pang bida ang hanap mo
    kaya wala tayong pinag-iba d man tayo magka ayon
    tayo pa rin e magka-nayong parehong nadaan sa butas ng karayom
    kaya tayo man e nagkaaway at di tayo magkahanay
    samahan nyo ko't gamitin natin ang mga laway upang ipanghugas sa kahapon
    ng musika at..

    Sing with me, sing for the year
    Sing for the laughter, sing for the tear
    Sing with me,just for today
    Maybe tomorrow, the good Lord will take you away


    eto para sa lahat ng nangangarap na pasukin ang larangan na to..
    tulad nyo rin ako,
    nagsimula ako sa wala at ang aking tanging puhunan
    ay ang talento sa pagkukuwento gamit ang musika para tulungan
    ang sarili kong malabas ang mga nadarama na nakulong ng
    matagal na panahon para magkaron ng gaan ang kalooban
    ginamit ko tong musika upang muling mapaikot ang gulong
    at mapatakbo ang buhay ko at gusto ko rin makalimot sa bulong
    ng demonyong naalulong kaya nag adik ako ditot nalulong
    at naging walang paki sa sinasabi ng iba kase sa kanta ko ako dito ang hukom
    ang pinakamatinding kritiko ng aking liriko ay sarili ko't
    d ako kuntento sa komento ng mga kunehong nasakay sa titi ko
    pinili kong mapanatili kong prinsipyo sa puso't isip ko't
    d ko yun pagpapalit sa kasikatan hanggang maputol ang litid ko
    kung may natutol sa himig ko d na un mahalaga
    kase d ko to ginagawa para magpahanga ng mga taong nakasara
    ang tenga sa tema't mensahe ng nasulat kong mga kanta
    kase mas importante ang sinasabi ng namulat kong mga mata
    na nag iba ang tingin ng mabaling saken ang ilang minuto nila't
    kinain ang aking hinaing awitin na aking nilutong iba
    sa pangkaraniwang madaliang awit ng mga datihang sinubo nilang
    nakakabusog daw ang tunog pero sunog pala at ginutom sila
    kaya aming sinulong sila sa makabagong kabanata
    ng pagkamakatakaya tanong ko sayo papatalo ka ba bata
    ngayong nasa baba ka pa lang at wala ka pang baong tagahanga?
    wag!kase sa pagkasawi't mga mali mo malalaman kung paano makatama!
    at nasa baba ka pa kaya wala kang pupuntahan kundi taas
    kaya wag kang susuko ng di nagiiwan ng kahit konting bakas
    paglaban mo ang pangarap mo bago maging kahapon ang ngayon
    habang nasa lupa ka pa,bago pa ang iyong kabaong mabaon!
    kaya..

    Sing with me, sing for the year
    Sing for the laughter, sing for the tear
    Sing with me,just for today
    Maybe tomorrow, the good Lord will take you away

    ReplyDelete
  2. eto para sa lahat ng nasuporta..yung mga tunay na nasuporta...
    makinig kayo...
    alam naming minsan pakiramdam nyo kayo ay balewala
    na wala kaming pake kaya iniisip nyong nalaki na ang ulo namin
    pero d man halata naaalala naming kung walang kayo kami'y wala
    at maniwala kayo na kayo ang nagpapataba sa puso namin
    gusto naming magpasalamat sa bawat palakpak at paghanga
    pero may iba sa'ming nagambala kaya d namin nagagawa kadalasan
    kase kami din e nabibigo't minsan d nahinto ang masaklap na tadhana
    sa pagkatok saming pinto at di rin biro ang aming mga nararanasan
    kaya wag nyo sanang masamain kung d namin kayo laging mapansin
    kase sa likod ng mga kanta,may kanya kanya kaming laban din
    problema sa pera,pamilya,pag-ibig at iba pang mga dalahin
    na pasan na minsan d na malampasan kaya sana kamiy isama sa mga dalangin
    at kung sakaling dumating ang panahong piliin naming itoy iwanan na
    mamuhay ng matahimik at isabit ang mikropono't bitawan na
    wag mag-alala maging masaya't samahan mo kaming sariwain ang ala-ala
    na dahil sa kanta d man tayo nagkita't nagkakilala..tayo ay nagsama sama

    Sing with me, sing for the year
    Sing for the laughter, sing for the tear
    Sing with me,just for today
    Maybe tomorrow, the good Lord will take you away

    ReplyDelete