Showing posts with label update. Show all posts
Showing posts with label update. Show all posts

Saturday, December 31, 2011

UPDATE 105: Slaughter X Skwater Mixtape (FREE DOWNLOAD)

DOWNLOAD: Slaughter X Skwater Mixtape

Eto na ang pinakabagong mixtape ng Skwatehawz na pinamagatang "Slaughter X Skwater Mixtape". Hindi kami nagpapaputok sa bagong taon, nagpapasabog lang! Kaya mga ka-Skwater ano pang hinihintay nyo!!! DOWNLOAD NA!!! Bagong soundtrip sa bagong taon!

Saturday, October 29, 2011

TRACK 178 / UPDATE 104: Tapatan Mo To / Abangan ang Tapatan Mo 2


Malapit na ang paglabas ng "Tapatan Mo 2"! syempre kasama ang Skwaterhawz, Mongol Unit, Kinse Madrigal, BLKD, Zaito at Target. 18 na makata na nagsama-sama sa iisang awit! ABANGAN!

Para sa mga di pa nakakarinig ng original ng "Tapatan Mo To" download na! at ito nga pala ang line-up. Zikk, Dreh, Santo, Kyxz, Karlito, Pasaway, Teeyo

Wednesday, September 21, 2011

UPDATE 103: 2nd Birthday ng Skwaterhawz

Bukod sa anniversary ng Martial Law ngayon (September 21, 2011)... kung di nyo naiitanong ngayon din ang birthday ng Skwaterhawz! 2years old na po kami mga ka-Skwater! Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa paglalakbay namin sa musika! SKWATERRRRRRRRRRRRR!

Friday, September 9, 2011

UPDATE 102: Kitakitz Mga Ka-Skwater

KITAKITZ TAYO MGA KA-SKWATER SA ROBINSON'S GALLERIA SA SUNDAY 9/11/11 NG 6PM PARA MAPANUOD ANG MOVIE PREMIERE NG SUNUGAN TWIN TOWERS... KAMI AY MAGDADALA NG SKWATERHAWZ T-SHIRT AT ID LACE PARA SA MGA GUSTONG BUMILI! SALAMAT! SKWATERRRRRRRRRRR!

Friday, September 2, 2011

UPDATE 101: Bad News at Good News


Bad News:
- Umabot na ng September pero di pa rin naiilabas ang You&Me Mixtape. Ang rason kung bakit ay nasa good news.

Good News:
- Iba't ibang record label ang may gusto ng You&Me Mixtape ng hawzmate nating si Dello. Nasa negosasyon na to ng label at ni Dello kung kailan ilalabas at kung matupad man ito maibebenta ito nationwide. Pero kung hindi eh ok lang at independent moves ulit tayo... Skwater eh!
- Maglalabas ng isang track si Dello ngayong week mula sa kanyang You&Me Mixtape at ang pamagat nito ay FYI (Forever You & I).
- Kung panatiko na kayo ng Skwaterhawz mula noon ay alam nyo malamang na ang grupong ito ay nagmula sa Mongol Unit o ang M-Unit. May mga bagong member nga pala ang Mongol Unit ayun ay sina Omar Baliw, Papew, JMC, Hambog, at Dize. Ibig sabihin mas maraming musika kayong maririnig mula sa Skwaterhawz kasama ng mga yan.
- Kung papalaring matapos ngayong buwan ay maglalabas ang Skwaterhawz ng free download na mixtape ang Slaughter X Skwater Mixtape.

Sunday, August 7, 2011

UPDATE 100: Anong Balita sa Skwaterhawz?

Sunod-sunod na ang nailabas ng Skwaterhawz nitong mga nakaraang araw. Kung sa tingin nyo ubos na... madam pang kasunod. Ito ang ilan sa mga ilalabas pa ng grupo:

Skwaterhawz - Slaughter x Skwater Mixtape
Dello - You & Me Mixtape
Vanjohn & Dello - Echo Remix
Santo & Zikk - All She Wrote Remix

Thursday, July 7, 2011

UPDATE 099: Dello's You & Me Mixtape (Cover & Track List)

Talagang nalalapit na ang paglabas ng You & Me Mixtape ng hawzmate nating si Dello. Ito na ang official tracklist at cover ng kanyang mixtape. Abangan na lang ang mga susunod pang updates tungkol sa mixtape na 'to at sa buong skwaterhawz!

Congratulations nga pala hawzmate Dello sa 2Battle na naipanalo mo laban kay Zaito at Spade.

Sunday, June 26, 2011

UPDATE 098: Skwaterhawz Photoshoot For "Slaughter X Skwater Mixtape"

Kagabi (June 25, 2011) kami ay nagphoto shoot para sa album cover ng susunod naming mixtape na pinamagatang "Slaughter X Skwater". Nagrecord din kami ng mga bagong track. Kagabi din ang last day ng video shoot ng music video ng hawzmate nating si Dello. Tuloy-tuloy lang tayo mga ka-Skwater!

Salamat nga pala kay Pipoy John sa kanyang walang sawang pagtulong sa Skwaterhawz. Sya ang direktor at editor ng music video ni Dello. Salamat din kay Arnee sa pag-ganap bilang leading lady ni Dello.

Salamat kay Edrex, Mark Dy, at Riz. Sila ang mga photographer ng aming susunod na Mixtape. Salamat sa mga tulong nyo. Patuloy na aangat ang Skwaterhawz dahil sa inyong lahat.

Friday, June 17, 2011

UPDATE 097: Dello - Sana Di Na Lang (BTS)

Ang lahat ng larawan ay kuha ni Sir Jay Pilapil. Pasasalamat mula sa Skwaterhawz. Ito ay mga kuha habang ginagawa ang music video ng hawzmate nating si Dello na pinamagatang "Sana Di Na Lang"

Ang iba pang mga larawan at makikita sa fanpage ng Skwaterhawz <- Click mo lang!

Sunday, June 12, 2011

UPDATE 096: Balitang Skwater

Una sa lahat... Maligayang Araw ng Kalayaan Pilipinas.

Kung ang tanong mo ay kung ano ang paparating mula sa Skwaterhawz... Ito na ang mga kasagutan dyan:

- Bad Meets Evil's "Fast Lane" na ni-Remix ni Santo at Vanjohn.
- Lil Wayne's 6'7' na ni-Remix ni Santo at Zikk
- Hiphop Monthly Love Song ni Vanjohn
- You&Me Mixtape ni Dello. 100 pesos lang
- "Sana Di Na Lang" Music video ni Dello.
- Demonyong May Anghel part 2 na pinamagatang "Wala Ka Na" na nagmula kay Zikk
- SLAUGHTER x SKWATER Mixtape, free download ito!
- Tapatan Mo 2 kasama ang Mongol Unit, BLKD, Target, Zaito, at marami pang iba.
- Ang video ng Fliptop Battle ni Dello at Shehyee noong Grain Assault 2

Hindi lang namin alam kung kailan ang labas ng mga yan pero sinisigurado naman namin na malapit na yan at lalabas talaga. Hindi yan aabutin ng taon bago lumabas. Lahat yan ay lalabas sa loob ng 2buwan mula ngayon. Masyado bang marami? Di naman kami masyadong busy sa music eh... SKWATERRRRRRRRRRRRRR!

Friday, June 3, 2011

Tuesday, May 10, 2011

UPDATE 094: Balitang Skwater!

Kung sa akala nyo nananahimik ang Skwaterhawz nitong mga nakaraang araw, nagkakamali ka ng akala. Maraming bagong parating mula sa amin... ito ang mga dapat mong abangan...

Zikk - Wala Ka Na (Demonyong May Anghel Part 2)
Mike Kosa, Dreh, at Santo - Kultura
Vanjohn at Santo - Request Remix

Maglalabas din ng Mixtape ang Skwaterhawz at ito ay magiging free download. Di pa alam kung kailan pero siguradong malapit na!

Abangan din ang Dello vs. Kial mula sa Fliptop Battle League. Mukhang malapit na din ilabas. At syempre tamang panahon na lang ang hinihintay para mailabas ang You&Me Mixtape ni Dello.

Sunday, April 3, 2011

UPDATE 093: Salamat Kay Jami De Leon

Salamat kay Jami De Leon! Basahin nyo ang kanyang blog tungkol sa Skwaterhawz concert nung November 12, 2010. -> Ano Ga?

Nakakamiss! SKWATERRRRRRRR!

Monday, March 21, 2011

UPDATE 092: Salamat Mga Ka-Skwaterrrrr!

Salamat sa suporta mga ka-skwaterrrrrr!

Thursday, March 17, 2011

UPDATE 091: Kita-Kits Mga Ka-Skwater!

Mga ka-skwaterrrrrrrr! March 19, 2011 (Saturday) 5pm, nasa MOA seaside kaming apat para magbenta ng t-shirt! 400 pesos lang! Kitakitz! 09166303419 <- bawal ang text! tawag lang! hahahaha...

Tapos ay didiretso kami sa event sa may new enjoy bar! Click nyo na lang yung poster para sa mga impormasyon! Salamat!

Saturday, March 12, 2011

UPDATE 090: Skwaterhawz Shirt Available Soon

Magkano? 400 pesos
Saan mabibili? Sa amin din mismo... Pwedeng meet or punta kayo sa mga events/gigs namin. Pwede rin kitakitz sa MOA mag aannounce na lang kami kung kelan.

at ang ID lace parating na din! SKWATERRRRRRRRRR!

Sunday, February 27, 2011

UPDATE 089: Mga Parating Sa Marso

- You&Me Mixtape ng hawzmate nating si Dello ay ilalabas na... Pero di pa sure kung March or April... pero malapit na malapit na yan! Abangan ang album cover, tracklist, mga guest at ang magiging single sa kanyang mixtape.

- Ang hawzmate nating si Vanjohn ay maglalabas ng bagong kanta sa Feb28 (bukas) na pinamagatang "Wag Ka Lamang Mawala".

- Abangan ang muling paglalabas ng Skwaterhawz shirt at ID lace at ang mga susunod na update para sa detalye tulad ng design, presyo at kung saan mabibili!

SKWATERRRRRRRRRRRRR!

Sunday, February 13, 2011

UPDATE 088: Skwaterhawz @ Rap Attack

Salamat sa pag imbita mga tropang Cavite! Congratz kay sir Papew at sir Da Real para sa isang successful na album launch!

Saturday, February 12, 2011

UPDATE 087: Rap Poetry 17 & Rap Attack

Kitakitz tayo mamayang gabi! Una sa Panapaan, Bacoor Cavite para sa Rap Poetry17. Tapos sa Rosario Cavite para sa Rap Attack! Skwaterrrrrr!

Thursday, February 10, 2011

UPDATE 085/86: Skwaterhawz @ Fliptop "Grain Assault II" / Happy Birthday Vanjohn

Ang Skwaterhawz ay nakisaya sa isang taong anibersaryo ng Fliptop! Congratz sa hawzmate nating si Dello sa kanyang pagkakapanalo sa isang magandang laban kay Shehyee! Abangan nyo yung video mga 3months mula ngayon! hahahaha...

At syempre Happy Birthday sa hawzmate nating si Vanjohn (Feb 9)! Isang taon na din ang ID Mixtape nya kung wala ka pa nun download mo na lang --> dito!