DOWNLOAD: Dello - Itim Na AnghelIto na ang huling araw ng Countdown to Evolution Mixtape. Ang carrying single ng mixtape ay lumapag na "Ang Itim Na Anghel" Pakinggang ang bangis ng isang Itim Na Anghel at idownload na.
Nabalitaan din naming mga hawzmate ni Dello na mapupushback ito ng mga ilang araw lang naman sa kadahilanang inaayus ni Dello ang skedyul ng kanyang skwatertour sa Pinas. Dec 18? siguro? ABANGAN!
----------------------------------------------------------------------------------
Interview
- Bakit evolution mixtape ang naisipan mong ipangalan?
Ang titulo na yan, hindi sakin nangaling... kundi sa inyo... sa skwaterhawz, sa mongol unit, sa mga nakakausap natin sa confe, sa ym, mga comment sa soundclick, sa imeem... kumbaga, di man eksaktong sinabi, kung susumahin, nag-iba daw ang dello na kilala nila dati pag dating sa flow, at lubos akong nagpapasalamat sa mga nakapansin, papuri man o kritiko... very much appreciated.
- Ano ang ebolusyon ng mixtape na to sa na una mong mixtape?
Well, gaya nga ng nabanggit ko... nag iba yung flow, yung lyrics... saka may multi na daw? (multi? anu ba yun? hahaha!) Nag-iba na nga ako'ng mag-isip... magsulat, mag rec, pati pananaw ko nga naiba na din, at pasasalamat ko din sa mga nakapuna... at sa malaking impluwensya ng M-Unit...
- Ano ang plano mo pagkatapos nito?
Ganun pa din... kolabo sa iba kung may time, makibalita, makinig ng ibang musika... Project ng skwaterhawz, saka ng mongols... basta ganun pa din...
- May mga dapat pa ba kaming abangan?
Mmmm? wala kayong dapat abangan, dahil ako ang mag-aabang... sa mga mangyayari sa Hiphop ng Pinas, nakaabang ako... at magre-react ako sa paraan na gusto ko... Nakakasawa na kase yung pangit na sistema... kahit di man ako pansinin, at least, nag react ako, may bayag ako para mag-react...
- Ano-ano at sino-sino ang mga naging inspirasyon mo sa mixtape na to?
Sa inspirasyon... syempre yung asawa't anak ko... yung Skwaterhawz, Mongol Unit, KMQ 1597... mga kaibigan natin sa SC, sa FB, sa YM... saka yung pinagdaanan ko at mga "papuring supot" nung panahon na ako ay parang tanga lang...
Salamat!!! Evolution Mixtape...