Saturday, October 31, 2009

UPDATE 005/006: Skwaterhawz Shirt? & Mark Your Calendar



Oo! totoo yan... si Saint Michael ay may skwaterhawz shirt! hahaha...

November 2, 2009:
Ang kantang "Salamat Musika" ng Skwaterhawz ay isasali namin sa MTV Emerge at sana maasahan namin ang suporta ninyo sa pagboto, pagrate, at pagkoment. Maraming salamat!

November 12, 2009:
Dalawang araw bago ang laban ni Manny Pacquiao kay Miguel Cotto ay mag lalabas si Vanjohn at si Dello ng simpleng kanta para kay Manny. Libre download dito sa ating mansyon kaya sana ay i-download nyo!

Tuesday, October 27, 2009

UPDATE 004: Bagong Project

Gaya ng nasabi ko eh magiging bukas ang pintuan ng aming mumunting Skwaterhawz mansion sa mga bali-balita at chika sa loob ng aming mansyon. Kami ay may bagong proyekto na isasali sa MTV emerge. Ito ay pinamagatang "Salamat Sa Musika". Ang beat ay ginawa ng aming Tumantim na sina Saint Michael at Zikk. Ito rin ang kauna unahang beses na gumawa kami ng project na may deadline! Dahil dito sa biglaang proyekto ay inuurong namin ang petsa ng paglabas ng "We Run This" na kasama si Ayen. Kaya ito na muna ang abangan nyo at sana maasahan namin ang suporta nyong mga kaskwater namin.

Maraming salamat!

Sunday, October 25, 2009

TRACK 004: Vanjohn - Anthem (Freeverse)

DOWNLOAD: Vanjohn - Anthem (Freeverse)

Freeverse lang para sa inyong lahat kaya idownload na! Madami pang kasunod mula sa Skwaterhawz. Patikim pa lang yan! Apir!

Saturday, October 24, 2009

TRACK 003: Saint Michael, Dize, Kyxz - Mahal Mo Ko Pero Mahal Ko Sya

DOWNLOAD: Saint Michael, Dize, Kyxz - Mahal Mo Ko Pero Mahal Ko Sya

Bagong bago kakalabas lang. Mula kay Dize, Kay Kyxz ng Mongol Unit, at Saint Michael ng Skwaterhawz. Isang mabangis na track "no bullshit" to! kaya idownload na!

Bisitahin nyo din ang Soundclick ni Dize: http://www.soundclick.com/dize214bravo

Friday, October 23, 2009

UPDATE 003: Skwaterhawz @ MTV Emerge

Ang Skwaterhawz ay may entry sa MTV Emerge. Ito ay pacontest para sa mga independent/unsigned artist. Sana ay pakisuportahan ang entry namin na "Hindi Ka Nag-iisa". Paki rate lang ito sa baba ng play tapos ok na! Malaking tulong ang bawat rate ninyo kaya maraming salamat sa mga magrerate lalo na kung 5. Pwede kayong magrate every 12hours ata. Maraming salamat ulit.

Tuesday, October 20, 2009

TRACK 002: Skwaterhawz - Skwaterhawz

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Skwaterhawz

Line up: Saint Michael, Zikk, Vanjohn, Dello
Shoutouts to Tureng for the beat! Dalaw na din kayo sa Soundclick nya. Click nyo lang yung name nya...

yung lyrics eh kung may magrerekwes ipopost namin! salamat!

Sunday, October 18, 2009

UPDATE 002: Ang Konti

Konti lang to, kaya tyagain nyo na lang basahin! hehe..

DELLO - sa mga di pa nakakadinig ng bagong song ni Dello na pinamagatang "Obsessed" dito nyo yan matatagpuan sa http://www.soundclick.com/lethalwiththepen kaya di pa pinopost dito yan, kasi masyadong personal at yung target listener ay nasa soundclick. Itong track na to ay walang halong "rapshit". Isang malupet na bagsakan lang. Ayoko ng magkwento ng tungkol dyan pakinggan nyo na lang. Yan ay patikim pa lang sa Evolution Mixtape ni Dello na aabangan nyo sa December 2009! hahaha...

SAINT MICHAEL - may mga bago si Saint Michael na collab. Yung isa kasama ang Bulacan's Finest at yung isa naman kasama ang mga taga Cavite. Dalawang bagong track na naman nakasama si Saint Michael ang dapat nyong abangan.

ZIKK - may ilalabas din na kanta kasama si Dello, at Yawasap. Ito ay pinamagatang "May Butas Pa". Nasabi nya din sa akin na ngayong linggo ay may ilalabas syang song, di ko pa lang alam kung freeverse or full track. Madami din kaming bagong beat mula kay Zikk. Kakaibang tugtugan na naman.

VANJOHN - tinatapos ko pa ang pre-mixtape ko na may limang tracks lang ang laman at halos tapos na ito. Ang tracklist (unofficial) ay "Intro (anthem)", "Wack", "Ikaw Lang", "Rapstar", at "Sabihin" na kasama ang buong Skwaterhawz. Ang release ay February 9, 2010. Apir!

SKWATERHAWZ - abangan nyo sa mga susunod na post ko dito ang "Hindi Ka Nag-iisa" at "Skwaterhawz" na kasama sa Resumé Mixtape ni Saint Michael. Abangan nyo na din ang "We Run This" featuring si Ayen. Malapit na ding matapos ang "I'm Yours" "Magnanakaw" at "L Ako Sa'yo". Ang mixtape early next year!

Ang Konti! ahahaha...

VIDEO 001/ TRACK 001: Mongol Unit - Punchfest 2



DOWNLOAD: Mongol Unit - Punchfest 2


Punchfest 2 ng Mongol Unit... ito ang unang beses na nakumpleto ang buong Mongols sa kanta! tawanan nyo na lang ang video. hahaha...

propz kay Ayen sa pag gawa ng video...

Saturday, October 17, 2009

UPDATE 001: Saint Michael's Resumé Mixtape (free download)

DOWNLOAD: Saint Michael - Resumé Mixtape

Ito ay isang linggo ng nakakalat sa net, pero kung di mo pa din nadodownload, ito na ang pagkakataon mo. May mga kilala kami sa industriyang ito na kilala nyo din at kilala ng buong industriya ang nagbigay ng positibong komento dito kaya idownload mo na. Wala kang lugi dito, LIBRE nga eh... haha...

Friday, October 16, 2009

Welcome To Skwaterhawz

Ang "Skwaterhawz" ay isang grupo na ang mga hawzmate ay sina Saint Michael, Dello, Zikk, at Vanjohn. Magmula ngayon ito na ang magiging official website ng aming grupo. Dito na kami maglalabas ng mga kanta, dito na din kayo makakakuha ng update, snippets, free download ng aming mga kanta, back track, video blog at kung ano-ano pa. Dito din kayo makakakuha ng update ng nalalaman namin sa labas ng skwaterhawz at tatawagin namin tong skwaterhood update... so yung mga ka skwaterhood lang namin ang ilalagay namin... yung taga ibang baranggay eh pasensya na po... barangay "Mongol Unit" lang po ang pwede... ehehe

mga hawzmate i-add nyo kami sa inyong buhay...

Saint Michael
- www.imeem.com/saintmichael
- www.soundclick.com/saintmichael
- arnoldsanez@yahoo.com

Dello
- www.soundclick.com/dello
- www.imeem.com/akosidello
- dello146821@yahoo.com

Zikk
- www.soundclick.com/zikk
- walang_hilig_sa_chickz@yahoo.com

Vanjohn
- www.imeem.com/vanjohnbanawa
- www.vanjohn.multiply.com
- van_john05@yahoo.com