Tuesday, October 27, 2009

UPDATE 004: Bagong Project

Gaya ng nasabi ko eh magiging bukas ang pintuan ng aming mumunting Skwaterhawz mansion sa mga bali-balita at chika sa loob ng aming mansyon. Kami ay may bagong proyekto na isasali sa MTV emerge. Ito ay pinamagatang "Salamat Sa Musika". Ang beat ay ginawa ng aming Tumantim na sina Saint Michael at Zikk. Ito rin ang kauna unahang beses na gumawa kami ng project na may deadline! Dahil dito sa biglaang proyekto ay inuurong namin ang petsa ng paglabas ng "We Run This" na kasama si Ayen. Kaya ito na muna ang abangan nyo at sana maasahan namin ang suporta nyong mga kaskwater namin.

Maraming salamat!

No comments:

Post a Comment