Sunday, October 18, 2009

UPDATE 002: Ang Konti

Konti lang to, kaya tyagain nyo na lang basahin! hehe..

DELLO - sa mga di pa nakakadinig ng bagong song ni Dello na pinamagatang "Obsessed" dito nyo yan matatagpuan sa http://www.soundclick.com/lethalwiththepen kaya di pa pinopost dito yan, kasi masyadong personal at yung target listener ay nasa soundclick. Itong track na to ay walang halong "rapshit". Isang malupet na bagsakan lang. Ayoko ng magkwento ng tungkol dyan pakinggan nyo na lang. Yan ay patikim pa lang sa Evolution Mixtape ni Dello na aabangan nyo sa December 2009! hahaha...

SAINT MICHAEL - may mga bago si Saint Michael na collab. Yung isa kasama ang Bulacan's Finest at yung isa naman kasama ang mga taga Cavite. Dalawang bagong track na naman nakasama si Saint Michael ang dapat nyong abangan.

ZIKK - may ilalabas din na kanta kasama si Dello, at Yawasap. Ito ay pinamagatang "May Butas Pa". Nasabi nya din sa akin na ngayong linggo ay may ilalabas syang song, di ko pa lang alam kung freeverse or full track. Madami din kaming bagong beat mula kay Zikk. Kakaibang tugtugan na naman.

VANJOHN - tinatapos ko pa ang pre-mixtape ko na may limang tracks lang ang laman at halos tapos na ito. Ang tracklist (unofficial) ay "Intro (anthem)", "Wack", "Ikaw Lang", "Rapstar", at "Sabihin" na kasama ang buong Skwaterhawz. Ang release ay February 9, 2010. Apir!

SKWATERHAWZ - abangan nyo sa mga susunod na post ko dito ang "Hindi Ka Nag-iisa" at "Skwaterhawz" na kasama sa Resumé Mixtape ni Saint Michael. Abangan nyo na din ang "We Run This" featuring si Ayen. Malapit na ding matapos ang "I'm Yours" "Magnanakaw" at "L Ako Sa'yo". Ang mixtape early next year!

Ang Konti! ahahaha...

No comments:

Post a Comment