Friday, December 31, 2010

UPDATE 083: Skwaterhawz 2011!

Isang maka-skwater na taon ang 2010. Salamat sa suporta at pagkakaibigan na nabuo isang pagbati mula sa Skwaterhawz. Mga napagdaanan mula sa mga inuman, tambay, recording session, gigs, rap battle, pag release ng mga libreng track na masosoundtrip, mixtape, multi-vitamins mixtape, shirts, id lace, at marami pang iba.

Ano ang aabangan sa 2011? Solo album ni Dello at ang 2nd Mixtape ng Skwaterhawz at Syempre ituloy ang mission ng grupo "sakupin ang pinas" at "bawasan ang tanga sa mundo"

Skwaterrrrrr! Happy New Year!

kung gusto mong balikan ang blog last 2009 -> Handa Ka Na Ba Sa Skwaterhawz

Friday, December 24, 2010

TRACK 122: Skwaterhawz - Walang Pahinga (Beat Produced by B-roc)

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Walang Pahinga (Beat Produced by B-roc)

Ito na ang pamasko ng Skwaterhawz sa inyo dahil napaabot natin ng 1000 likes ang status sa fanpage sa loob ng isang araw! Maraming salamat sa lahat ng naglike at sa mga sumusuporta! Salamat din kay Sir B-roc para sa instrumental! Bisita din kayo sa page nila sa Soulfiesta! Maligayang pasko!

Monday, December 20, 2010

TRACK 121: Dello - Liwanag Ng Pasko (remix)

DOWNLOAD: Dello - Liwanag Ng Pasko (remix)

Bagong solo ni Dello. Pamasko nya ito para sa lahat ng sumusuporta, sa mga haters, at sa kung sino-sino pa na magcecelebrate ng pasko. Download na!

Kung natatandaan nyo last year ang bigay ng Mongl Unit ay yung original na Liwanag Ng Pasko. <-- click nyo lang para mabalik ka sa nakaraang taon!

Wednesday, December 15, 2010

TRACK 120: Skwaterhawz ft. Busabos - Maniwala Ka (Santo & Zikk)

DOWNLOAD: Skwaterhawz ft. Busabos - Maniwala Ka (Santo & Zikk)

Lumang track mula kina Santo at Zikk. Panahon pa ng friendster to... hahahah.. Soundtrip na!

Sunday, December 12, 2010

TRACK 119: M-style ft. Santo of Skwaterhawz - All-star

DOWNLOAD: M-style ft. Santo of Skwaterhawz - All-star

Line up: Santo, Jie Whun, Mad Ace, Ash, Emboy, Flip-C, Derrty Al, Mighty Mike. Bagsakan na ng malulupet na verse! Download na...

Monday, December 6, 2010

UPDATE 082: Congratulations Hawzmate Dello

Congratulations Dello! Pagbati mula sa iyong grupo at sa mga taga-hanga mo! Irecord na ang dapat irecord tapusin na ang album! hahahahaha...

Thursday, December 2, 2010

UPDATE 081: Dello @ Fliptop "Tectonics" Dec 4, 2010

Syempre ang buong grupo nandun! Kitakitz na lang... sa mga gusto bumili ng mixtape available yan dun! Apir...

Wednesday, December 1, 2010

TRACK 118: Vanjohn - Para Sa'yo

DOWNLOAD: Vanjohn - Para Sa'yo

Sa mga gustong masoundtrip ang bagong track ng hawzmate nating si Vanjohn, download na dito! Sigurado akong magugustuhan nyo! Salamat sa hawzmate din nating si Zikk para sa beat! Add nyo na din yung fanpage nila ng gf nya... hahahaha...

Sam and Vanjohn Skwaterhawz Loveteam <-- Like nyo yung fanpage ah! Salamat!

Wednesday, November 24, 2010

TRACK 117: Santo ft. Various Artist - Boses Ng Masa

DOWNLOAD: Santo ft. Various Artist - Boses Ng Masa

Isa sa mga lumang kanta ng hawzmate nating si Santo kasama ang mga tropa natin. Ito ang line up ng mga kasama sa kanta na yan Santo, Pimpnoy, Posero, Windizzy, E-jac. Lahat malulupet! idownload na... Soundtrip yan!

Sunday, November 21, 2010

UPDATE 080: Happy Fiesta sa Angono Rizal (Nov19,2010)

Maraming salamat sa lahat ng taga Angono Rizal! Salamat sa pagtanggap napakadaming tao! Salamat sa mga organizer ng event lalo sa kumontak sa amin si Maam Yssa... Salamat din sa taga GSM Blue sa libreng alak, at sa mga barangay tanod, mga bumbero. Salamat din kay Maam Erika Sabado at Maam Abby sa mga litrato... at sa inyong lahat talaga maraming salamat! Apir!

Sa mga bumili lalo ng mixtape namin... maraming salamat sa inyo! Mahal na ng Skwaterhawz ang Angono!

Wednesday, November 17, 2010

UPDATE 078: Skwaterhawz @ Angono Rizal (Nov19,2010)

KITAKITZ sa nov19,2010 friday! sa Angono Rizal naman tayo! magpeperform kami dun at magjajudge ng mga battle... at syempre magiinom di nman mawawala yan! tara! 6pm pa lang magsasaya na tayo! punta ka ah! sa may National Road gaganapin!

Saturday, November 13, 2010

UPDATE 077: Skwaterhawz @ Lipa City, Batangas "4B"

Ito na ang pinaka successful na gig ng Skwaterhawz sa ngayon. Napakatindi ng suporta ng Lipa City Batangas. Soldout ang 350 tickets! pasensya na sa mga hindi nakapasok di rin namin expected na ganun kadami ang pupunta. Maraming salamat sa lahat... sa mga nagpunta na nakapasok... sa mga nagpunta na hindi nakapasok salamat pa din atleast sinubukan nyo... salamat sa mga nalasing... salamat mga bumili ng mga merchandise! apir!

Salamat sa mga sponsors Chick-Autz Productions, Drive 99.9, She4s. Salamat din sa mga bumuo nito... mga organizer, security guard, driver, waiter... lahat lahat... di magiging ganun kasaya kung may kulang!

Maraming salamat sa mga tropa nating sila Target, Silencer, at Zaito! at syempre kay Pipoyjohn na walang sawa naming pinapasalamatan... Ulitin natin to!

Thursday, November 11, 2010

UPDATE 076: Skwaterhawz @ Lipa City, Batangas (Nov 12, 2010)

KITAKITZ! Nov12,2010, 9:30pm sa 1984 Bar & Resto, Ayala Hi-Way, Brgy Balintawak sa Lipa City Batangas.

Skwaterhawz kasama sila:
Target
Silencer
Zaito
at marami pang iba!

200php ang entrance may beer ka na!

Tuesday, November 9, 2010

TRACK 116: Skwaterhawz - Welcome To Skwaterhawz


Una sa lahat Happy B-day sa hawzmate nating si Dello. Ito ang regalo nya para sa inyong mga sumusuporta sa kanya at sa grupo nyang Skwaterhawz. Salamat sa painom at pakain Dello. Salamat din sa mga bumisita Daddy Joe D, Corporal, Silencer, Target, at marami pang iba. Salamat sa lahat ng bumati.

Abangan kami dyan sa Lipa Batangas sa Nov 12, 2010. Ipopost ang iba pang detalye sa mga susunod na araw!

Itong track na 'to ay kasama sa Multi-Vitamins Mixtape. Kung wala pa kayo... Umorder na!

Saturday, November 6, 2010

UPDATE 075: Skwaterhawz @ Imus, Cavite (Nov 7, 2010)

Ang Skwaterhawz ay naimbitahan para magperform sa isang mix martial arts na pinamagatang "Sagupaan" Magkita-kita tayo sa Nov 7, 2010 (Sunday) 6pm sa may Lotus Mall, Imus, Cavite!

Friday, November 5, 2010

TRACK 115: Zikk - Demonyong May Anghel

DOWNLOAD: Zikk - Demonyong May Anghel

Ang pinakaabang abangan ng lahat! bagong solo track ni Zikk... download na!

Thursday, November 4, 2010

UPDATE 074: Skwaterhawz @ MOA (Nov 5, 2010)

Ang buong grupo ay tatambay sa MOA sa Nov 5, 2010 (Friday) mula 3pm hanggang 6pm para magbenta ng Multi-Vitamins Mixtape sa halagang 100pesos. Para sa mga magtatanong... Walang ID lace! Walang T-shirt! Kitakitz!

Thursday, October 28, 2010

UPDATE 073: Skwaterhawz @ Target's Album Launch

Una sa lahat salamat kay Target sa imbitasyon. Success ang album launch suportahan natin ang album nya. Salamat din kay Vincent para sa mga larawan! astig!

Tuesday, October 26, 2010

TRACK 114: Skwaterhawz - Braaaw (Vanjohn & Santo)



DOWNLOAD: Skwaterhawz - Braaaw (Vanjohn & Santo)

Bagong track mula kay Vanjohn at Santo. Idownload nyo na at sabay sabay tayo mag BRAAAW! braaap brikikikik!

Monday, October 25, 2010

UPDATE 072: Skwaterhawz @ Cavite (Oct 29, 2010) and Las Pinas (Oct 30, 2010)

Oct. 29, 2010 - Kitakitz tayo sa Naic Covered Court sa Naic, Cavite para sa Rapoetry!
Oct. 30, 2010 - Sa album launch ni Target naman sa may Bullhouse Bar sa harap ng SM Southmall sa tabi ng Friday's Super Club sa Las Pinas City!

NOTE: abangan ang mga bagong track ng Skwaterhawz ngayong linggo!

Saturday, October 23, 2010

UPDATE 071: Upcoming Track This Week

*** Zikk - Demonyong May Anghel
*** Skwaterhawz - Braaaw (Vanjohn & Santo)

Nilabas na ng Hawzmate nating si Zikk ang trailer ng kanyang bagong track sa kanyang Facebook account. Abangan ang buong track! Siguradong hahakot na naman ng comments at like yan sa facebook.

Abangan din ang collab nila Santo at Vanjohn. Malupet na soundtrippan to!

Thursday, October 21, 2010

TRACK 113: Skwaterhawz - Tayo Ang May Sala (Vanjohn & Zikk)

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Tayo Ang May Sala (Vanjohn & Zikk)

Collabo ng dalawa sa Skwaterhawz na si Zikk at Vanjohn. Ito'y makatotoohanang awit lang na puna sa ating paligid. Isa sa mga track na kasama sa ID Mixtape ni Vanjohn. Kung wala ka pang ID Mixtape download mo na din.

DOWNLOAD: Vanjohn - ID Mixtape

Wednesday, October 20, 2010

UPDATE 070: Skwaterhawz Happy Fiesta Sta. Maria Bulacan Garden Ville Oct. 17, 2010

Wala kaming picture during the performance dahil wala ang aming photographer na si Pipoyjohn. Anyway, salamat sa mga tao dyan sa larawan na nakikita nyo. Sila ang umasikaso sa amin buong gabi sa Sta. Maria Bulacan nuong October 17, 2010. Maraming salamat din sa mga organizer ng event at mga tao dun. Napakainit ng tanggap nyo sa amin. Salamat din sa dami ng alak! solve!

Tuesday, October 19, 2010

VIDEO 024: Skwaterhawz Live Performance @ Tanza, Cavite Rap2k10


Pinerform ng grupo ang Welcome To Skwaterhawz sa Rap2k10 sa may Tanza, Cavite. Ang track na ito ay ksama sa Multi-Vitamins Mixtape! Salamat sa kumuha ng video! apir!

Monday, October 18, 2010

UPDATE 069: Skwaterhawz @ Rap2k10 Tanza, Cavite Oct. 16, 2010

Maraming salamat sa organizer ng Rap2k10! success ang event... astig! Salamat sa lahat ng dumalo at nanuod, sa mga artist na nagperform, sa mga nakasama namin at syempre kay Pipoyjohn para sa mga pictures.

Para sa iba pang pictures ng grupo -> Skwaterhawz @ Rap2k10

Para sa iba pang pictures ng event -> Rap 2k10

Thursday, October 14, 2010

TRACK 112: Jay Bell ft. Skwaterhawz - Dahil Nariyan Ka


DOWNLOAD: Jay Bell ft. Skwaterhawz - Dahil Nariyan Ka

Ni record ang track sa Skwatermansion. Produced, edited and mastered by Tumantimbeats. Pakinggan at idownload na! Enjoy!

Tuesday, October 12, 2010

UPDATE 068: Ang Skwaterhawz ay nasa Cavite (Oct 16) at sa Bulacan (Oct 17)

Oct 16 - Kitakitz tayo sa Rap2k10 sa Cavite! sa Arayata Complex Tanza! 130php ang entrance fee... kasama din dun sina Target, Anygma, DTG at marami pang iba!

OCT 17 - Kitakitz naman tayo sa sa Sta. Maria Bulacan!

Friday, October 8, 2010

TRACK 111: Etno Lyrico ft. Zikk - You Are My Life

DOWNLOAD: Etno Lyrico ft. Zikk - You Are My Life

Bagong track mula sa grupong Etno Lyrico kasama ang hawzmate nating si Zikk. Download na! sarap i-soundtrip nito...

Wednesday, October 6, 2010

TRACK 110: Zikk - Inlababo

DOWNLOAD: Zikk - Inlababo

Ito yung original na Inlababo na ni remix ng Skwaterhawz para sa Multi-Vitamins Mixtape. Para sa mga wala pang Multi-Vitamins Mixtape order na! Classic to! Enjoy!

Monday, October 4, 2010

TRACK 109: Saint Michael - Hindi Ko Susuko

DOWNLOAD: Saint Michael - Hindi Ko Susuko

Para sa mga taong wala pang Resume Mixtape ng hawzmate nating si Santo, ito ay isa sa mga tracks na laman dun... download na!

DOWNLOAD: Saint Michael - Resume Mixtape

Wednesday, September 29, 2010

VIDEO 023: Skwatervision Episode 3 (Freestyle Laseng Part2)

Ito na ang part2 ng Episode3 ng freestyle lasing... hahahaha... wag kang hater mag-enjoy ka na lang kasi kami nag-eenjoy lang!

Para sa Skwatervision Episode 3 (Freestyle Laseng Part1)

Sunday, September 26, 2010

VIDEO 022: Skwaterhawz Live Performance @ Olongapo

Ito ang 1st ever live performance ng Skwaterhawz bilang grupo... Salamat sa mainit na pagtanggap nyo dyan sa Olongapo! The best kayo... maraming salamat din sa magandang pagtrato sa amin... special na special kami sa inyo! basag kami sa dami ng alak! solve! ULITIN NATIN TO!

Thursday, September 23, 2010

UPDATE 067: Skwaterhawz @ Olongapo

Pagkatapos sakupin ang MOA nuong Sept18,2010... Olongapo naman sa Sept25,2010 nandyan kami! Sinisimulan na ang pagsakop sa Pinas! kitakitz!

Monday, September 20, 2010

VIDEO 021: Skwaterhawz Multi-Vitamins Mixtape Trailer



una sa lahat 1st birthday/anniversary ng SKWATERHAWZ ngayon!

Directed and edited by Pipoy John. Maraming salamat ninong Pipoy sa walang sawang pagtulong sa Skwaterhawz at dito sa regalo mo sa amin!

BUMILI KA NA! 100 pesos lang...

Official distributors
Dello (Manila area) - 09164191791
Vanjohn (Makati area) - 09168921748 / van_john05@yahoo.com
Zikk (Cavite area) - 09064870956
Santo (cavite area) 09274336609
Pipoy John (QC Area) - 09127613873
JC Sevilla (Laguna Area) - 09215936644


NOTE:
- wag na sana muna magtanong tungkol sa shirt and id lace... tinatrabaho pa namin yun... sold out na kasi... nagpapagawa pa kami ng bago... iuupdate na lang namin kung kailan ulit available...
- yung mga wala sa metro manila or nasa malalayong lugar sa amin... inaasikaso na din namin kung paano mapaparating yung produkto namin sa inyo.. easy lang.. darating tayo dyan!
- maraming salamat sa inyong lahat!

UPDATE 065: Maraming Salamat Sa Inyo!

Maraming salamat sa lahat ng nagpunta sa MOA para sumuporta at makipagkulitan sa Skwaterhawz!

Para sa iba pang mga pictures dito na lang --> SKWATERHAWZ FAN PAGE!