Thursday, December 31, 2009

UPDATE 022: 2010 Handa Ka Na Ba Sa Skwaterhawz?

Pagbati mula sa Skwaterhawz! HAPPY NEY YEAR! mga hawzmates!

Una sa lahat! una kami... biro lang! Sa mga di pa nakakaalam ang Skwaterhawz ay kumpleto na! Sa January 4, 2010 magkakaron ng Skwaterhawz Session. Magkakaron ng photoshoot, sa pamumuno ni Pipoy na ka-Mongols namin. Magkakaron ng konting bidyuhan,sulat, pagpaplano sa mga susunod na proyekto, at inuman! Kung sakaling aabot man sa January 4 ang Skwaterhawz shirt baka ito na ang isuot namin sa photoshoot!

Ang Skwaterhawz studio ay magbubukas sa February 2010! Irerelease na din ang ID Pre-mixtape ni Vanjohn kasabay ng kanyang kaarawan.

Nasa proseso na din ng pag-gawa ang Skwaterhawz Multi-Vitamins Mixtape. Sa katunayan mga ilang tracks na din ang tapos dito. Wala pang petsa sa paglabas nito. Paki abangang na lang. Target release date (March/April)

Pagkalabas ng Skwaterhawz mixtape ang susunod na aabangan ay ang Bayani Mixtape mula kina Saint Michael at Vanjohn. May mga ilang kanta na ding tapos mula sa dalawa nating Hawzmates. Lalabas sa June 12, 2010

No comments:

Post a Comment