Monday, November 30, 2009

UPDATE 016: Mixtapes

Mixtapes coming soon:
*Dello - Evolution Mixtape - 12/14/09
*Vanjohn - Pre-mixtape - 02/09/10
*Vanjohn - Ibang Vanjohn Yan Mixtape - 04/27/09
*Saint Michael - 2nd Interview Mixtape - TBA
*Zikk - Pandora's Box EP - TBA
*Skwaterhawz - Skwaterhawz Mixtape - TBA

Baka may madagdag pa...

Sunday, November 29, 2009

UPDATE 015: Dello's Evolution Mixtape Art Work


Nilabas na ang official artwork, official tracklist, official release date. Isang napakagandang soundtrip bago mag pasko.

Simula December 1 - 13 gagawin natin ang countdown to Evolution mixtape sa paraang paglalabas ng mga kanta ni Dello every other day. "It's Showtime... It's Skwatertym"

Saturday, November 28, 2009

UPDATE 014: Skwaterhawz Session






Sa kauna unahang pagkakataon nagkasama sama ang tatlo sa apat na myembro ng Skwaterhawz. Saint Michael, Zikk, at Vanjohn. Kasama pa si Vaynard ng Likalento at si Mae.

Thursday, November 26, 2009

TRACK 012: Skwaterhawz - Abangan (Vanjohn & Saint Michael)

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Abangan (Vanjohn & Saint Michael)

Mga dapat bigyang pansin sa lyrics ng kantang to ay...

"mga mixtapes, dl mo at libre to, walang pa-sweldo,
kung hinde, lagot, at sasabihin ko kay fafa dello... diss ka/" - Saint Michael

"Ika siyam ng Pebrero, taong dalawang libo't sampu/
I-download ang pre-mixtape ko sa presyong dalawang piso lang po/" - Vanjohn

"vanjohn at santo?/ wala bang bago?/
maglalabas ng mixtape kaya aaabangan mo/
Paghindi mo dinownload para kang gago/
May kasama pang palo/ dahil dito wala kang talo/ " - Vanjohn

"kagrupo ko ang mga emceeng dapat lang abangan/
skwaterhawz dot blogspot dot com, salamat sa dadaan/" - Saint Michael

"Ang Ibang Vanjohn yan mixtape ay susunod na/" - Vanjohn

"Ang industriya sadyang masikip na nga pero/
Kung trip mo ang ebolusyon makinig ka kay dello/
Sa Disyembre lalabas/ may diss syempre na alas/
Kaya payo lang po na hindi pwede mag angas/" - Vanjohn

Monday, November 23, 2009

TRACK 011: Skwaterhawz - Hindi Ka Nag-iisa

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Hindi Ka Nag-iisa

Ito ay kasama sa Resume Mixtape ni Saint Michael at para sa mga di pa nakakadownload nito o di pa nakakarinig, ito na ang pagkakataon nyo para madownload ito! salamat!

Friday, November 20, 2009

UPDATE 013: Dello's Evolution Mixtape Update

"EVOLUTION MASS: Salamat sa mga tumulong sakin sa mixtape ko... tuloy na talaga to... 12/14/09 paki hintay na lang po... libre lang po ito... kaya sa mga kasama ko sa kolabo... KYXZ, rec mo na yan gaga! wahahaha! Producer ko na si DREH, anu na prof? pabawasan ko sana yung torotot... kay DOC BERTO and ZIKK, ser mamaya email ko na sayo yung script at sample... kay SAINT, paramdam ka naman... kay BANJAN, meron ka din skit... wahahahaha! sa SKWATERHAWZ... shake-shake idol na!!! kay YAWASAP, paramdam ka din, sa EXSAKTO at AYEN, kita kits sa pinas, kay PIPOY JOHN, salamat sa pag share ng talent mo sa isa kong track... Teeyo... musta na? wahahahaha! Madidinig nyo na mga hindi nyo nadinig sakin. BANGUS VALENTINO time... EVOLUTION... its showtime!!!" - DELLO

ano pa bang dapat sabihin? hahaha.. ihanada na ang sarili! EVOLUTION MIXTAPE! kahit kaming mga hawzmate nya ay nasasabik na sa paglabas nito! Goodluck hawzmate Dello!

Monday, November 16, 2009

TRACK 008: Zikk - High

DOWNLOAD: Zikk - High

Bagong bago mula sa one quarter ng Skwaterhawz na si Zikk. Expect the unexpected sa kantang to. Kaya kung ako sa'yo i-download na! Para sa gusto ng lyrics na sa comment nitong post na 'to!

Saturday, November 14, 2009

UPDATE 011/012: Mga Importanteng Petsa

At ang isa pang petsa ay November 16, 2009 para sa kantang "High" ni Zikk! Abangan na yan! At idownload sa takdang petsa!

Thursday, November 12, 2009

TRACK 007: Skwaterhawz - 1-2 Punch (Manny Pacquiao Theme) (Vanjohn & Dello)

DOWNLOAD: Skwaterhawz - 1-2 Punch (Manny Pacquiao Theme) (Vanjohn & Dello)

Gaya ng napangako namin sa mga naunang blog ay lalabas to ng November 12, 2009. Tatlong araw bago ang laban ni Manny Pacquiao. Kaya i-download na para ganahan sa labanang Pacquiao-Cotto. Salamat!

Tuesday, November 10, 2009

UPDATE 010: Lyrics?

Marami rami ng nagrerekwes ng lyrics ng bawat kantang nauupload dito sa ating mansyon. Para mapagbiyan ang ilang rekwes ay ipopost namin sa comment ang mga lyrics na may kopya kami. Sa ngayon meron ng lyrics na nakapost sa kantang "Punchfest 2" ng Mongol Unit, "Skwaterhawz" ng Skwaterhawz, "Anthem" ni Vanjohn at "Can't Help Falling For You Bitch" nila Zikk at Saint Michael. Antabayanan lamang ang iba pang mga kanta na malalagyan ng kopya ng lyrics.

Monday, November 9, 2009

TRACK 006: Skwaterhawz - Can't Help Falling For You Bitch (Zikk & Saint Michael)

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Can't Help Falling For You Bitch (Zikk & Saint Michael)

Surprise! Ito na ang bagong kanta mula sa myembro ng Skwaterhawz na si Zikk at si Saint Michael. Idownload na ang kakaibang labsong at ng mapakinggan nyo na!

Sunday, November 8, 2009

UPDATE 009: Happy Birthday Dello!

Happy birthday dello! Pagbati mula sa'yong mga kasambahay!

Saturday, November 7, 2009

TRACK 005: Skwaterhawz - Salamat Musika

DOWNLOAD: Skwaterhawz - Salamat Musika

Free download na ang pinakabago mula sa Skwaterhawz na pinamagatang "Salamat Musika" kaya i-download na! Pero sana tuloy tuloy pa rin ang pag boto sa MTV Emerge para matuloy ang contest natin. Salamat sa inyo at "Salamat Musika".

Wednesday, November 4, 2009

UPDATE 008: Skwaterhawz Contest?

Bago kami magpacontest eh may hihingiin lang muna kaming pabor. Ano yun? simple lang naman. Kailangan lang eh paabutin natin ng 1000(one thousand) votes yung entry namin sa MTV Emerge. Hindi na namin hinahangad na manalo dahil ngayon pa lang may mga libo na votes na sa ibang entry, kumbaga gusto lang namin makita yung suporta nyo para sa amin. Pag umabot eh babaha ng free beats sa papalaring mananalo ng contest! Pero kung hindi aabot ng 1000(one thousand)hmm sorry na lang walang contest na magaganap. Ibig lang sabihin nun di nyo kami mahal! Awwww...

But wait! There's more! ohaaa! parang commercial lang... pagnatuloy ang contest bukod sa libre na beat eh malalagay ang inyong site sa "Tropa Ng Skwaterhawz". Syempre meron pa. Magkakaron ng solo posting dito sa mansyon ng skwaterhawz pag natapos nyo na gawan ng kanta yung beat na premyo nyo! Alam nyo na ang gagawin? Paabutin na natin sa target para matuloy ang contest para lahat tayo masaya!

Sa ngayon pa lang meron na kaming ipapamigay na beats makikita sa beat section ng Soundclick ni Zikk! yung "Tayong Dalawa" at "Kanino Ka" download nyo na at gawan ng kanta! Wag lang kalimutan magpasalamat.

Monday, November 2, 2009

UPDATE 007: Bagong Kanta Ng Skwaterhawz Sa MTV Emerge

November 2, 2009? Ang pangako ng Skwaterhawz na may bago, ito na ang "Salamat Musika" pwede nyong mapakinggan sa MTV Emerge tapos vote lang kayo, tapos rate nyo ng 5! Kung nagustuhan nyo naman ng sobra eh mag vote kayo ng mag vote kasi bawat limang minuto pwede magvote.

Kaya pagbisita dito, direcho na kayo sa: MTV Emerge at alam nyo na ang gagawin! haha...

Maraming Salamat!