Sunday, February 7, 2010

UPDATE 028 / TRACK 035: Vanjohn's ID Mixtape Cover, Tracklist, Snippet, Shoutouts

DOWNLOAD: Vanjohn - ID Mixtape's Snippet

Salamat sa Diyos at nabigyan ako ng isa pang taon! 21 yrs old na ako paglabas ng mixtape na 'to sa February 9,2010. Salamat sa talent, pangako na gagamitin ko 'to sa tama. Salamat sa lahat ng blessings.

Salamat sa mga magulang ko. Di ko na kelangan isa-isahin kung bakit. Pakinggan na lang ang track#5 "Salamat Po" ft. Pipoy John

Salamat sa mga hawzmate ko. Kay Pipoyjohn sa album cover at pag chorus sa "Salamat Po". Kay Manong Berto sa "Wack". Kay Dello para sa "Politika". Kay Saint Michael sa "Rapstarr". Kay Zikk para sa "Tayo Ang May Sala". Sa kanilang tatlo para sa "Sabihin."

Maraming salamat sa Tumantim under Skwaterhawz (Saint Michael & Zikk) para sa pag-edit ng mixtape na to. Para sa beat ng "Para Sa Musika" "Sabihin" at "Isang Dakila". Maraming salamat talaga mga boss. Di ito magiging ganito kaganda kung wala kayo.

Malakas ang loob kong sabihing maganda ang mixtape na 'to. Pakinggan nyo na lang! (yabang!)

Salamat na din sa mga haters ko, kung sino man kayo. Idownload nyo to tapos tingnan natin kung may maipintas pa din kayo! Salamat sa inyo, malaking inspirasyon kayo sa mixtape na 'to.

Salamat din sa mga magdadownload. Libre lang ito, pero hihingian ko kayo ng pabor. Kung ito ay idadownload mo, ikalat mo na din! yun na lang ang ibayad mo sa akin. Paki kalat!

Konting hintay na lang. Sa Martes balik kayo dito sa Skwaterhawz para idownload ang mixtape! Yun na lang din iregalo nyo sa akin! Download nyo at pakinggan ng mabuti!

At sa mga tropa dyan! Kilala nyo na kung sino kayo! KITAKITZ SA MARTES NG GABI AT INUMAN NA! SKWATERTAYM!

No comments:

Post a Comment