Saturday, March 13, 2010

TRACK 048: Vanjohn - Bulaklak Na May Lason

DOWNLOAD: Vanjohn - Bulaklak Na May Lason

Kung ang naiipost namin dito eh matagal ng narelease at naghahanap kayo ng bago. Eto na yun! Dalawang hawzmate natin ang nagsama para mabuo ang obra na 'to. Beat ni Zikk at mga letra ni Vanjohn. Binigay ang beat ng gabi, kinabukasan obra na at pwede nyo ng mapakinggang. Marami pa kayong madidinig mula sa dalawang ito. Beats by Zikk, lyrics by Vanjohn. Idownload nyo na yan!

Para sa lyrics... punta lang sa comment section!

1 comment:

  1. BULAKLAK NA MAY LASON

    ikaw yung nakilala ko na maganda sa paningin/
    yung minahal ko agad sa una pa lang na pagtingin/
    yung masasabi kong akin at di na kailangan angkinin/
    yung nakakasama ko magdamag hanggang sa pagdilim/
    yung kasabay kong tumambay at tumagay ng bitin/
    yung kinaadikan ko nung aking nalasahan sa pagtikim/
    yung babaeng aking pinagnanasahan ng palihim/
    pero alam kong ang lahat ng ito ay di na dapat banggitin/
    siguro nga kalaban talaga natin ang tadhana/
    kasi kung kakampi natin sya eh sa akin ka pa sana/
    pero bakit na wala ka/ kaya ang labis na paghanga/
    napalitan na ng galit at awit na madrama/
    gusto ko munang magpakalayo para makapag isip/
    pero anong magagawa ko kung sa puso't isip ko ikaw ay nakadikit/
    ikaw ang nakikita ko kahit pa nakapikit/
    kasi wala ng iba pa na sayo ay makakahigit/

    ang iniwan mong sakit parang aids na hindi to magamot/
    iniintindi kita pero kahit anong pilit di ko maarok/
    ang layo mo, para kang tala na hindi ko maabot/
    mahal mo ba ako? bakit naantala ka't di mo masagot/
    alam ko na at di ko na kailangang madinig/
    tumahimik ka na lang bago pa kita tapakan sa bibig/
    guguho na ang daigdig/ tama na ang pakilig/
    hinugot ko na ang palasong nakatarak sa dibdib/
    pinatay si kupido at ginawa ko syang palamuti/
    nakita kita nung kaarawan ko yun na palang' huli/
    lumipas ang panahon nagbago ka at ganun din ako/
    minahal kita lalo pero sabi mo tapusin na to/
    pero sana bago tapusin ay pilitin ulit ayusin
    at baguhin ang dapat baguhin bago tayo lasunin ni to/
    makasama ka habang buhay yun lang ang layunin sa'yo/
    tama bang hamunin ako?/ sige tapusin na to/

    ang mga nangyayari masyado ng kumplikado/
    hindi na ordinayo/ daig pa ang pang tv o pang dyaro/
    pag nakita mo na ang pangalan ko sa obitwaryo/
    doon lang magtatapos ang lahat yan ay kumpirmado/
    bakit di na kita matanaw/ nag iba'ng pananaw/
    para ka ng statwa na hindi na magalaw/
    patugtugin na ang "Huling El Bimbo" halina't magsayaw/
    pakiusap sa huling pagkakataon wag kang aayaw/
    ang maamo mong muka nakikita ko na lang sa litrato/
    di na kita kabisado/ mabangis ka pa sa salita ko/
    di na dapat itago/ na may ginagawa ka na milagro/
    pati gago ginagago/ di ka pa ganun ka praktisado/
    pano na ang ating plano/ kung meron ng nakisalo/
    may bakas ng kasalan ang kaliwa mo/ dapat ng itapon/
    ang alala na kapiraso/ malilimutan ko din maski pano/
    at pag nangyari yun malamang nasa langit na 'ko/

    ReplyDelete