Wednesday, June 16, 2010

UPDATE 046: Solo Track!

Kung mababasa nyo sa chatbox natin ang hawzmate nating si Dello ay may ilalabas na kanta bukas pinamagatang "Same Old Story". Gaya ng naipangako namin sa inyo nung nakaraang update ay may ilalabas si Dello na solo track nya at mukang palabas na nga ito bukas!

Ang hawzmate nating si Zikk ay maglalabas din ng kanyang solo track "Paano Na Kaya". Kung malapit (ka-close) kayo kay Zikk malamang nadinig nyo na ang snippet na to sa kanyang Facebook account. Lalabas ito ngayong weekend.

Si Vanjohn ay maglalabas din ng kanyang solo track. Di nya pa alam kung ano sa mga nakatagong tracks nya ang ilalabas nya.

Isa sa mga matagal ng nakatagong track ni Saint Michael ay ilalabas na din na pinamagatang "Already Home" kakadating nya lang sa Pinas ng natapos ito at nakatago lang ng matagal sa baul ng Skwaterhawz. Isang english na solo track.

Dating nagsimula ang Skwaterhawz na apat na solo artist na napag-isipang magsama-sama para gumawa ng grupo. Dekalidad ang nagagawa twing nagsasama ang apat. Pakinggan naman natin sila ngayon bilang indibidwal ulit.

No comments:

Post a Comment