Wednesday, July 21, 2010

TRACK 102: Vanjohn - Mahal Pa Rin Kita

DOWNLOAD: Vanjohn - Mahal Pa Rin Kita

Bagong track mula sa isa nating hawzmate na si Vanjohn. Download nyo na! Yung beat syempre produced ng Skwaterhawz' beat maker walang iba kundi si Zikk. Ito yung track na di ko alam kung kikiligin kayo, malulungkot, or baka makornyhan! hahaha.. pakinggan na lang. Yung lyrics nga pala nasa comment section. Para dun sa wala pang mixtape ID Mixtape ni Vanjohn pwede nyo pa rin idownload dito.

DOWNLOAD: Vanjohn - ID Mixtape

2 comments:

  1. inaamin ko naman na nagkamali ako/
    tumikim pa ng iba pero mas matamis sa'yo/
    di naman sinasadya pagkat na lasing ako/
    kaya ng makita mo/ wala maski saplot/
    nagulat din ako kaya nasabi kong patay yari ako/
    atin atin lang ito alam mo bang mas magaling ka don/
    ngayong wala ka na laging nasasabik sa'yo/
    parang ang buong mundo ay pasan ng balikat ko/
    hiling ko lang naman sa'yo na tayo'y magkabalikan po/
    pag wala ka sa tabi ko/ para bang mantika to/
    na delikado sa puso dapat ang mata laging sa'yo/
    patawarin mo lang ako gagawa ng kanta, labing walo/
    di ka sumasagot sa txt kaya nagpadala ng telegrama/
    iistorbohin kita saglit yan ay kung pwede sana/
    pero sabi ni tita busy ka daw sa teledrama/
    at sa mga dvd na pinirata/ pero parang hindi yata/
    sabihin mo lang kung iniiwasan mo ako/
    pero tandaan mong ang puso ko pinagsisigawan kong sa'yo/
    kahit suplada ka at ako'y gustong talikuran/
    sinusumbat mo pa na ako ay puro kalibugan/
    kaya ang dulot kalituhan/ di na ba uso'ng maki usap/
    kaya ngayon ang inaatupag ko puro awit muna/
    wag mo nang hintayin pa na tumulo aking luha/
    ikaw ang buhay ko at wala akong balak isuko aking buhay/

    kapag wala ka laging beer at empi ang kasama/
    habang nalalasing nagiging senti at madrama/
    wala ng sexy na makama/ ako'y parang dehins pa malaya/
    akala ko kaya ko di pala pwede na wala ka/
    parang kanta ni gloc ikaw ang hinahanap ng puso/
    itong palaso para ba akong tinamaan ng puro/
    araw-araw na dalangin/ na ako ay sana patawarin/
    alam mo naman na napamahal ka na sa akin/
    para ba akong regla na balak kang dalawin/
    dahil kapag wala ka nawawalan ng gana sa pagkain/
    nagwawalang dadamdamin/ maawa ka sa akin/
    pagkat kailangan kita na parang hangin/
    at simula ng tayo ay maghiwalay ng landas/
    kasi away madalas/ pagkat sinaway ang batas/
    ng pagibig, tinamad na ako sa mga dapat kong gawin/
    at ang ilalabas na mga song naging/
    parang renz verano/ dahil di na insperado/
    kaya ngayon sa pagsulat palaging desperado/
    kita mo? kinakapos na nga/ tapos pinapaos pa yan/
    mula unang letra hanggang dulo pinagpaguran yan/
    kahit binabasura lang/ at twing kinakausap ka/
    ako'y tinataguan lang/ basta sa aking puso pinakauna ka/
    maparating ko lang ang mensahe na kinakamusta ka/
    mahal mo ba ako? sows... tinatanong ba yan?

    ReplyDelete
  2. idol vanjohn!! keep it up!!

    ReplyDelete