Wednesday, March 31, 2010

VIDEO 011: Fliptop Battle: Dello vs. Batas





Props to Fliptop Battle! Respeto kay Batas! napaka astig na battle!

Monday, March 29, 2010

TRACK 055: Vanjohn - Para Sa Musika

DOWNLOAD: Vanjohn - Para Sa Musika

Isa sa mga track na kasama sa ID Mixtape. Para sa lahat ng mga rapper na naniniwalang may mararating sila, hindi man ngayon pero balang araw! Produced by Zikk. Download na!

DOWNLOAD: Vanjohn - ID Mixtape

Friday, March 26, 2010

TRACK 053: Dello - May Butas Pa

DOWNLOAD: Dello - May Butas Pa

Due to popular demand. Mula Dubai... hanggang Hongkong! may nagrerekwes nito! I-download na! Isabay mo na ang buong mixtape dito ---> Dello - Evolution Mixtape

VIDEO 010: Freestyle Laseng Episode 2 (Behind The Scene)



Ito ang behind the scene ng birthday ni Vanjohn at ID Mixtape launch! Tara na at tumawa tayo! wahahaha...

Thursday, March 25, 2010

UPDATE 038: Skwaterhawz @ Fliptop Battle 2nd Sight

Ito pa ang ibang mga larawan na nakalap namin sa facebook. Tingnan nyo kung saan nakaupo ang Skwaterhawz... Wahahahah kakapal ng mukha! Walangya! Hiyang-hiya kami dito! hahaha...

Wednesday, March 24, 2010

UPDATE 037: Skwaterhawz @ Philippine Hiphop Awards 5

Hindi din namin alam kung pa'no napasali ang Skwaterhawz dito. Nakakatuwang isipin na kahit di kami ang gumawa ng aksyon para mapasali dito, may mga tao na sumusuporta sa grupong Skwaterhawz. Kung sino man ang nagnominate sa amin... Maraming salamat sa suporta! Nagulat na lang kami ng ibinalita ng mga ilang kaibigan na nominee daw kami sa Philippine Hiphop Awards 5. Salamat! Apir!

Para sa mga gustong bumoto ---> Philippine Hiphop Awards 5

TRACK 052: Likalento ft. Saint Michael - Boodle Fight

DOWNLOAD: Likalento ft. Saint Michael - Boodle Fight

Ang line-up ay sina Vaynard, Yen, Euro, Chucky, Pimpinoy, Saint Michael. Download na!

Tuesday, March 23, 2010

UPDATE 036: Dello vs. Batas @ Fliptop Battle

Best battle ng gabi! Nag OT pa... hahaha... abangan ang video!

Monday, March 22, 2010

TRACK 051: Zikk ft. Dreh - Ganito Ang... Trip (Trip Lang Part 2)


Ang 2nd edition ng Trip ng hawzmate natin na si Zikk. Naki "Trip" pa ang kapatid natin sa Exsakto Entertainment na si Dreh. Idownload na yan! Mongol Unit!!!

Edit? ano yun? wala ng edit edit...

Dito makikita ang part1: Zikk - Freeverse (Trip Lang)

Sunday, March 21, 2010

UPDATE 035: Dello @ Fliptop Battle

Nagkita-kita sa Skwatermansion sina Saint, Zikk, at Vanjohn ng 3pm. Si Saint nagrecord ng mga verses nya para sa mga kacollab at ilang mga solong kanta habang hinihintay si Dello. Shoutouts to Youngmaze at Impaktita na bumisita din sa Skwatermansion at sa pag-sama dun sa Venue. Si Pimpinoy ay nakigulo din sa amin, salamat boss!

Ang bangis ng laban! Umabot sa OT ang battle. Bagamat natalo si Dello sa battle, binigyan nya naman ng isang magandang laban si Batas at nakapagbigay saya sa mga tao. Di na namin idedetalye ang mga nangyari para abangan nyo ang video. Lalo na ang mga mongols abangan nyo ang video! Respeto kay Batas para sa magandang laban! Ang bangis nun sir! Props din sa Fliptop Battle para sa mga ganitong pa-event, suporta kami dito!

Bumalik kami sa Skwatermansion ng masaya dahil ito ang unang sabak ng grupo sa malaking event na tulad nito at hindi kami binigo ni Dello sa kanyang ipinakita! Kaya ayun nag-inoooooooooooooooom at laseng na naman ang buong Skwaterhawz.

Friday, March 19, 2010

TRACK 050: Dello - Evolution

DOWNLOAD: Dello - Evolution

Kung di lang naging busy ang Skwaterhawz sa kani-kanilang buhay ito sana ang panapat ng grupo sa Rapcypher2 sakto pa naman na parehas ng beat. May talo pa kaya to sa lupet! Download na yan... at kung bitin ka pa.. download mo na buong mixtape!

DOWNLOAD: Dello - Evolution Mixtape

Wednesday, March 17, 2010

VIDEO 009: Freestyle Laseng Episode 2 (Part 2)



Freestyle ba? hahaha... Dello and Curse One!

Tuesday, March 16, 2010

TRACK 049: Zikk - Dahil Nariyan Ka (Instrumental)

video

Para sa gusto ng beat na 'to mula sa hawzmate natin na si Zikk, ipost lang ang inyong e-mail sa chatbox at isesend namin sa inyo! Kapag nagawan nyo na ng kanta ipopost natin ulit dito yan.

Namimigay kami ng libreng kanta, libreng beat, libreng mixtape. Ang hiling lang namin eh suportohan nyo din sana ang Skwaterhawz!

UPDATE 034: Konektado Ang Skwaterhawz Kay Mike Swift

Inimbitahan ni Boss Mike Swift ang Skwaterhawz sa gabing ito. Magpeperform dapat ang Skwaterhawz kaso lang di umabot ang niluluto ng grupo para sa gabing ito. Abangan nyo na lang kung ano ito!

Bilang suporta ay magtutungo ang grupo sa pagdiriwang na ito! Para makisaya at makasama ang ibang artist na bumubuhay sa hiphop. Ikaw? Kung di ka pupunta dito hindi ka hiphop! Tara na!

Respeto kay Mike Swift mula sa Skwaterhawz! Maraming salamat!

UPDATE 033: Dello kasali sa Fliptop!

Mga hawzmate, suportahan natin si Dello dito! Apir!

Saturday, March 13, 2010

TRACK 048: Vanjohn - Bulaklak Na May Lason

DOWNLOAD: Vanjohn - Bulaklak Na May Lason

Kung ang naiipost namin dito eh matagal ng narelease at naghahanap kayo ng bago. Eto na yun! Dalawang hawzmate natin ang nagsama para mabuo ang obra na 'to. Beat ni Zikk at mga letra ni Vanjohn. Binigay ang beat ng gabi, kinabukasan obra na at pwede nyo ng mapakinggang. Marami pa kayong madidinig mula sa dalawang ito. Beats by Zikk, lyrics by Vanjohn. Idownload nyo na yan!

Para sa lyrics... punta lang sa comment section!

Friday, March 12, 2010

TRACK 047: Daddyjoe, Maestro Una, Spyro, Ithadz, Corporal, Vanjohn - Sa Tabi Ko

DOWNLOAD: Daddyjoe, Maestro Una, Spyro, Ithadz, Corporal, Vanjohn - Sa Tabi Ko

Kasama ang mga tropa mula sa Laguna at isa sa myembro ng Skwaterhawz nag colabo sa isang romantikong awit. Download na yan!

Thursday, March 11, 2010

TRACK 046: Zikk - Freeverse (Trip Lang)

DOWNLOAD: Zikk - Freeverse (Trip Lang)

Sinulat ng isang gabi, mali pala! sampung minuto... nagpakalasing muna bago magrecord! pakinggan at idownload!

Wednesday, March 10, 2010

Tuesday, March 9, 2010

TRACK 045: Dello ft. Zikk - Bakit Nga Ba Mahal Mo Ako?

DOWNLOAD: Dello ft. Zikk - Bakit Nga Ba Mahal Mo Ako?

Sa sobrang pogi nitong dalawang hawzmate natin... napatanong na lang sila sa kanilang mga kasintahan "Bakit Nga Ba Mahal Mo Ako?" hahaha... kala nyo comedy yung kanta? pakinggan nyo na lang! Download na!

Dahil patay na ang link ng Evolution Mixtape... para sa wala pang kopya dito nyo idownload

DOWNLOAD: Dello - Evolution Mixtape

Saturday, March 6, 2010

VIDEO 007: Skwatervision Episode 2 (Freestyle Laseng Trailer)



Mga kaganapan at mga panauhing pang dangal sa launching ng ID Mixtape at kaarawan ni Vanjohn. Ito na ang trailer. Abangan ang episode 2 ng freestyle lasing.

Friday, March 5, 2010

TRACK 045: Zikk - Panaginip

DOWNLOAD: Zikk - Panaginip

Mula lyrics hanggang beat ang lupet. Kantahan ka ng ganito ewan ko kung di malaglag panty mo. I-download mo at tyak pupurihin mo. Album quality to!

Thursday, March 4, 2010

TRACK 044: Dello - Kung Di Ikaw

DOWNLOAD: Dello - Kung Di Ikaw

2009 Winner ng Dongalo Rap Awards para sa Best Comedy Love Song

Nung pinapakinggan ko ito, naisip ko yung kanta ni Jay-Z na Venus Vs. Mars. Pero mas nauna tong kantang to kesa sa kanta ni Jay-Z. Ibig sabihin bago pa maisip ni Jay-Z naisip na ng hawzmate natin na si Dello. Lupet!

Tuesday, March 2, 2010

TRACK 043: Saint Michael ft. Cheatz - Para Sa'yo (Lalala)

DOWNLOAD: Saint Michael ft. Cheatz - Para Sa'yo (Lalala)

Saint Michael ng Skwaterhawz kasama si Cheatz of 7heads production sa isang malupet na kanta. Isa sa mga klasik na kanta to. Mapapa lalala ka... Download na!