Monday, April 18, 2011

TRACK 142: Dello - Silya (Upuan Remix)


DOWNLOAD: Dello - Silya (Upuan Remix)


Buhay pa po si Dello. Ito na ang bagong kanta nya! Download na mga ka-skwaterrrrrrrrrr!

3 comments:

  1. UPUAN - DELLO

    (teka, asan ung mga papel dito kanina dito sa may dito ko pinatong
    ayun ayun ayun sa ibabaw ng upuan pakiabot nga pakiabot pakiabot may sinulat ako dito kanina e
    oo dyan sa beat na yan sige pakilakasan ung beat.yow dello skwaterhaws marami taung nakikita marami taung napapansin
    lahat tau may napupuna diba pero pinoy ako e at di ko kayang basta tumahimik na lang)

    Kayo po na naka upo,
    Subukan nyo namang tumayo
    At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
    Ang tunay na kalagayan ko

    tao po, ito'y para sa nakaupo
    malakas makauto basta lang makabuo
    ng plano nyang hangarin ngunit di makayuko
    ng makita ang ilalim pawis at mga dugo
    ng mahirap ang dinilig sa bawat lupang kung saan
    na may munting bahay na natahan na bakit hindi mo puntahan
    na malaman ang laman na't mailawan ang daan
    pero sana wag naman sabihin hindi matandaan
    na mga pangako mo sinabi nun na gagaan kami
    sa pasanin pero ang tanong nasaan kasi
    parang hindi mo naalala kaya di ko na makita
    na kami ang uunahin pero naisantabi
    at eto sa bandang huli kayo kayo parin pala
    ang aangat at lumabas na kayoy naging mga
    santo lang sa una pero bat ngayon nagiba na
    na naging kayo ang mga tuso at kami naging tanga

    Kayo po na naka upo,
    Subukan nyo namang tumayo
    At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
    Ang tunay na kalagayan ko

    bakit di ka tumayo para lang masulyapan
    dagat na kulay pula dati ay asul pa yan
    mga gubat na mapuno bat nagyon nabungkalan
    nagkamali ba ng pinuno na pinili yung palang
    mga nakaupo sa pwesto bahay puro presko
    sa oras na magutom kumakain lang sa resto
    pasta pesto laman ng mga expo
    silang merong kakayahan na magmanifesto
    pero yung nasa baba di makapagpataba
    wala na ngang makain pero ang nakapagpalala
    kurakot na hinakot di ka na nahabasan walang mahain sa lamesa
    bakit di lang magsagawa
    ng paraan tumulong saka makamusta kami pakapus na
    habang mga bulsa nyo pera ang nilalaman
    pera sa nilalaan teka tang ina naman pwede wag masyadong halata


    Wag kang masyadong halata
    Bato-bato sa langit
    Ang matamaa'y wag magalit
    O bato-bato bato sa langit
    Ang matamaan ay
    Wag masyadong halata

    dahil ang nakikita ng mga mata mula sa lupang tinatapakan ng mga paa
    pilipino ka pa ba bakit di mo madama
    namaupo ay nagiba bakit sino ka na ba
    ikaw ay di na kabilang dahil di mo na mabilang na
    kayamanan kahit na alam mong mali ang
    ang pinagmulan tignan mo lang kung anong katuturan
    bakit di subukan ang tumayo sa upuan

    Kayo po na naka upo,
    Subukan nyo namang tumayo
    At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
    Ang tunay na kalagayan ko

    Kayo po na naka upo,
    Subukan nyo namang tumayo
    At baka matanaw, at baka matanaw ninyo
    Ang tunay na kalagayan ko

    ReplyDelete
  2. dello ala ka na bang bagung rap..

    ReplyDelete