Tuesday, September 13, 2011

TRACK 170: Skwaterhawz ft. Onek, M.C A.G, Damorero, Dize - Walang Iba (Romansa Espesyal All-Star)


DOWNLOAD: Skwaterhawz ft. Onek, M.C A.G, Damorero, Dize - Walang Iba (Romansa Espesyal All-Star)


Ang pinakabagong handog ng Skwaterhawz kasama pa ang mga tropa natin sa musika na sina Onek, M.C AG, Damorero, at Dize. Eto na ang kantang "Walang Iba" na magpapakilig sa inyo. Download na!

2 comments:

  1. Skwaterhawz - Walang Iba (Romansa Espesyal Allstar)

    www.skwaterhawz.blogspot.com
    www.facebook.com/skwaterhawzofficialfanpage

    ONEK
    ang pagibig nating dalawa ay di nalalayo
    sa maraming tao na kabado gamit pang gayu/
    ma sa pagibig ngunit di to maaari
    tunay ang pagibig ko kahit di na ipasuri/
    ikaw ang susing inantay mailabas na tong
    pagibig na kelangan mo ibibigay buongbuo/
    sayong-sayo lamang ako kahit anong mangyari
    at di ako titigil kahit na akoy mayari/
    mabugbog man ng tatay mo kahit di na makabawi
    sakaling ikaw ay agawin lam mong di to maaari/
    sakin biglang magbago at maglaho kay sakit isipin
    ipalit man buhay ko basta makabalik ka sakin/
    pipilitin ang lahat ng paraan para umibig
    ka sa akin at lunurin sa isang balon na tubig/
    but please believe it, upang di magalala
    mahal kita walang iba, ikaw ang nagiisa/

    ZIKK
    sa lahat ng kasalanan ko ikaw ang parusa
    pinadala ka ng langit para akoy magdusa
    mahal kita pero minsan ayaw kitang kausap
    kase kala mo tama lagi ang mamalisya na utak
    mo na grabe talaga'ng imahinasyon
    love story gusto ko wag mo namang gawing aksyon
    d ko alam kung bat ikaw ang karelasyon
    sa dami dami ng babae sa ating nasyon
    ang tanging rason c kupido akoy napana
    kaya inlove sa may tililing na malakas pa sa kampana
    ng simbahan kaya ikaw ang kasintahan
    next time gusto mo ng gulo bumili ka sa tindahan
    at mura lang dun,diba ako e mahal?
    iniisip ko shit pano pa pag tayoy kinasal
    malamang akoy kawawa pero nasanay na ako
    sabagay may asawa na may nanay pa ako kaya

    MC AG
    SA ARAW ARAW NA GINAWA NI ALLAH
    AY PINADAMA MO SAKIN NA ISANG MALAKING BIYAYA AT PINAGPALA KA
    SA LAHAT NG BINIBINI BUKOD-TANGI,PAKIWARI
    KO AY KUSANG DUMIKIT SAYO NA PARANG BATO-BALANI
    NAPAPAWI ANG LUMBAY TUWING NAKAHAWI SA KAMAY MONG
    LAGING FULL-SWING PUMALO'T MANAMPAL AY PAMATAY
    OH PAG-IBIG AYAYAY TUNAY AT IBIBIGAY
    ANO MAN ANG IYONG NAISIN KAHIT NA MAGKALATAY-LATAY
    PAGKAT SAYO'Y PATAY NA PATAY NA TILA BA BALEWALA
    ANG MGA PASAKIT MO KAPAG SINUSUMPONG KA TRALALA
    BINUBULALAS MO SA UMAGA KAGIGISING KO PA NGA
    HALOS HIWI NA ANG MUKHA SA KASISIKO SA PANGA
    LAHAT YAN AY IINDAHIN, LAHAT ANG KAYANG TIISIN
    NGUNIT ANG MAWALAY KA SAKIN YUN ANG DI KO KAKAYANIN
    GANUN KA KA ESPESYAL TO BE MY LADY & HABIBI
    SAKING BUHAY PERSONAL NA MINAHAL NI MC A.G...

    VANJOHN
    isang normal na tao pero iba sa karamihan/
    pagnakikita ka mundo ko'y humihinto, kaya sandali lang/
    ikaw yata ang anghel na sinaniban/
    ni angel locsin at angelica panganiban/
    bukod sa musika ikaw lang ang pinagukulan ng pansin/
    siguro nga ikaw ang aking pinagkukunan ng galing/
    tinatama mo kung aking panuntunan ay mali/
    kaya kung pwede sana ako'y mangungutang ng halik/
    dahil masaya na ako na masayaran mo ng/
    labi mo, ituloy lang natin at pabayaan mo lang/
    wag ka mag-alala dahil babayaran ko yan/
    isa akong tanga, kung ikaw ay pakawalan ko pa
    nung wala ka pa, ang buhay ko parang lanta to/
    sa daming dead na dead sa'yo mundo ang nasalanta mo/
    malamang patay na din ako kung nakakamatay ang ganda mo/
    ikaw lang ang gusto at walang iba halata naman sa kanta ko/

    ReplyDelete
  2. DIZE
    Isang halimaw na, puso ay nangitim/
    lumapit sayo at iyong naintin,dihan/ kahit na ikay natim, brehan/
    na siyay gago na malabo ng mapabago pa/
    pero nagawang mong maitago pa/
    ang kanyang poot na suot/ buhay na wala ngang lusot/
    plantsado sayo ang bawat niyang gusot/
    kasi sa tuwing sinusupung ikaw nagpapakalma/
    ikaw ang senyales na umaalarma/
    kaya kabutihan sakin ay umaandarna/
    wala akong paki kung sakin ikay naupak/
    tama lang yon pag ako'y natupak/
    at kung ako'y sasaktan mo man/ ay sasakyan ko lang/
    at sasabihin ko kulang/ pa, kasi sayo inlababo na/
    kung anu-ano man sakin ibato/
    ay among amo parin sayo/
    kasi sayong-sayo ito/ diba at wala na ngang iba/

    SANTO

    may tanong ako..
    sinong kukutya kapag may mali akong nagawa?/
    sinong magsasabing corny aking love song na kanta?/
    sinong mag uutos sakin? sinong amo sa dal'wa?/
    sino ang tatawa sakin kapag ako'y nadapa?/
    walang iba, kundi ikaw, at ikaw ang queen na charming/
    sayo natutunang tumulay sa alambre't tumambling/
    matatalim na salita ang happenings pag bonding/
    at alam kong style mo lang yan ng paglalambing sa akin/
    pagkutya'y nang maisip kong kaya pa 'tong ma-improve/
    pag corny sayo, ako talagang tagalog love song genius/
    hindi under, understanding, handa akong mag-lingkod/
    at ang tawa'y paalala pag masyado na kong serious/
    ngayon, wala na 'kong takot magkamali't lumaban/
    susulat ng awit para haranahin ka lamang/
    kung may ipapatrabaho ka, lahat ay igagapang/
    tatayo sa pagkakadapa, basta lagi kang nandyan/

    DAMORERO
    kahit na medyo brutal... ang mga sampal
    kahit na mga pasa ko.. ay isang dangkal
    para sakin ay wala.. ng makakahigit
    kahit dila ko pilipit ikaw pa rin ang mahal
    at ang lagi kong dasal sayo ako makasal
    wala akong pake kahit akoy masakal
    dahil walang iba ikaw lamang talaga
    at walang makakapigil sa aking nadarama
    tunay at tapat na ibibigay sayo
    ang mga bagay na imposibleng matamo
    at sana makita mo kung gaano at paano
    ko pakikinangin bawat ngiti at mata mo
    gusto kong malaman mo na akoy tapat sayo
    sana ang pagibig ko hindi kulang sapat sayo
    dahil ikaw ang aking boss at bago pa ko magtapos
    gusto kong malaman mo ako lang ang para sayo

    DELLO
    sa duyan ng pagmamahal, natulog ako/
    sa ganda ng mga ngiti mo ay nalunod ako/
    dati hindi natitinag, ngayon, nausog mo to/
    kaya naman sayong mga kamay, nahulog ako/
    patibong, ang pag ibig, ikaw sa puso ko, bumitag/
    di lang sa nadarama, literal ka ding bumihag/
    kahit na nga minsan ay binabato mo ng pinggan,/
    sa halip na iwanan ka, nagsanay na lang umilag/
    para di na masapul ng mga bagay na hinagis/
    lalo na kapag nagselos, eh wala namang ninais/
    kundi ang mga halik mo lang, wala paring kaparis/
    kahit na bungangera ka pa, daig mo pa si aries/
    mabilisan nga magsalita/ sa duda at mga sita/
    humihinto ka lang kapag sinabi kong mahal kita/
    at kung may balak umepal, subukan nila, tang ina/
    patutunayan kong sakin, ikaw lang at walang iba/

    Chorus:

    kahit na binabato mo ako ng kung ano ano, ikaw parin ang gusto ko
    kahit na sinasampal mo ako't sinisipat' nasusugatan mo
    ikaw parin walang iba (para sakin at ang puso ko, ikaw laman)
    ang gusto kong makasama (mula noon, hanggang sa dulo ng walang hanggan)

    ReplyDelete