Hindi naman sa papalakihin natin ang mga nababasa natin sa chatbox. Tutuldukan lang natin ng matapos na. Ganito kasi yan, walang duda si Saint Michael ay magaling, talentado, masipag, at may puso sa rap. Para malinaw sa lahat, nabuo ang grupong Skwaterhawz dahil sya mismo ang humikayat kay Zikk, Vanjohn, Dello para maging grupo ito. Alam nya na ang bawat myembro nito ay isa lang ang pakay. Iangat ang lebel ng rap music sa pinas at ganun din ang gusto nyang mangyari. Eh, di kung ganun... mag grupo na lang at iisa lang naman ang pakay ng bawat isa.
Si Saint Michael magsosolo? ito ang sagot dyan. "Ang Skwaterhawz Ay Grupo" gaya ng pamagat ng post na 'to. Sa bawat kanta, collabs, o ano mang proyekto ng bawat myembro ng Skwaterhawz, sila-sila ang nagiging magkakakumpitensya sa lyrics, topic, flow, multi, at kung ano-ano pang elemento para mapaganda ang rap. Kung magsosolo si Saint Michael, mawawalan sya ng kakumpitensya sa bawat gagawin nya. In short, ang bawat myembro ng Skwaterhawz ay kailangan ang isa't isa para mailabas o mahigitan pa ang talentong meron ang bawat myembro.
Kung iniisip nyo/mo si Saint Michael lang ang nagdadala sa grupo, malamang di mo kilala ang bawat myembro ng Skwaterhawz. Malamang din na hindi mo pa napapakinggan ang Evolution Mixtape ni Dello. Malamang di mo din alam na si Dello ay sasali sa freestyle competion na malapit ng maganap. Malamang di mo alam na maglalabas na ng Mixtape si Vanjohn sa February 9, 2010. Malamang di mo din alam na gumagawa ng Duo Mixtape si Vanjohn at Saint Michael. Malamang di mo din alam na maglalabas ng Album ang Skwaterhawz. Malamang di mo alam kung paano magsulat si zikk, kung panu sya gumawa ng beat, at malamang di mo alam sya ang nasa likod ng malalaking proyektong ito para mapaganda lalo sa pag-eedit. Malamang wala kang alam sa Skwaterhawz...
PEACE! NASA IISANG BAHAY LANG TAYO... NA SA SKWATERHAWZ!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment