Monday, June 21, 2010

TRACK 092: Zikk - Paano Na Kaya

DOWNLOAD: Zikk - Paano Na Kaya

Ang bangis nito! Written and produced by Zikk. Yung lyrics nasa comment! Kung gusto mo pang madinig yung iba nyang solo track ito ang ilan sa mga yan... yung iba kayo na maghanap, nakakalat lang yan sa site. Enjoy!

Props kay Pipoyjohn para poster ng kanta.

DOWNLOAD: Zikk - Anesthesia
DOWNLOAD: Zikk - High

3 comments:

  1. alam ko alam mo na'ng istorya ng buhay ko/
    at alam ko alam kung gaano kahaba ang sungay ko/
    pero may isang bagay kang d alam at ayokong ibaon to sa hukay ko/
    kaya makinig kang mabuti kase tunay to..



    puta parang pelikula tayo nina kim chu at gerald/
    pero sa istoryang to akong napasok sa picture at epal/
    kase may mahal ka na pero diba noon ako ang go to guy mo/
    sa akin ka nakapit kahit alam mo na no good guy to/
    isang badboy na nababoy sa mga katulad mong eba/
    na nanghaharana para lang may mapasukan na kweba/
    at para lang mga chicks na uto uto ay makunan ng pera/
    kaya nung sabi mong si zikk ay may puso kahit akoy nasurpresa/
    teka ganun na ba kabait sau ang hinayupak na naupak/
    sa mga bobong nanloko sau na mga ilong ay nagkabulak/
    kaya pag ako nasaksak ikaw ang nagamot sa mga sugat/
    at sa mga liham ng korte ikaw ang nasagot sa mga sulat/
    akoy nagulat ng yong sabihin payag ka sa akin na magpatikim/
    nung nalasing tayo pero d ko kayang gawing wasakin ang pagkabirhen
    mo kaya lumayo ako at sa iba nagbaling ng pagtingin/
    kase pagdating sau ang kaya ko lang gawin mahalin ka ng palihim/


    pero kahit na lumayo ako,d mo alam
    akoy nasa paligid mo parin naaligid nakatitig nagbantay/
    kaya mga nagtangka ng masama sayoy naging malamig na bangkay/
    may biglang nawala,nabangga,may nasunog habang tulog sa loob ng bahay/
    bat ko ginawa?kase tiwala tong tamang hinala kong d tama ang pakay/
    nila sayot nilalason lang nila ang yong murang kaisipan/
    at d ako papayag mabastos ang babaeng d ko makuha na silipan
    patunay dyan ang buhay ng mga nagmahusay na singitan/
    kat aagawin ka daw diba namaguindanao silat sa hukay nagsiksikan/
    pero d ko pinagsisihan makapatay at maging kaaway ng bansa/
    basta mabantayan ka lang kahit pa naging alalay ang bansag/
    ng mga tropa ko na kontrat nagsasabing manghalay manglaspag/
    ka na lang zikk ng mga chicks na sabik kesa mangalay ka sa pag/
    babantay at paghihintay na ibigay sayo ang paningin ng bulag/
    pero kahit anong kanilang sabihin para akoy praningin ay duwag/
    ako't takot sa sasagot mo kapag aking damdaming nabunyag/
    na sadyang d ko kayang pahayag kahit pa balaking matupad/

    ReplyDelete
  2. pero tang ina nung nakaipon na ako ng lakas ng loob para aminin na sayo
    binigla mo ako..nung akoy iyong...

    kinausap at ginulat sa inulat na ikay paalis ng pinas/
    akoy nainis pero nung sinabing mamimiss moy naalis ang tigas/
    ng dibdib pero ang bibig d napahiwatig ang nais mabigkas/
    yumuko lang at tumulo'ng luha pagkat labis ang bigwas/
    saken ng realidad na ang dilag na pinaglalaban ko ng palihim/
    na tanging sinag na nagpaliwanag sa pinagdaanan ko na madilim/
    ikaw na napakatagal na panahong pinaglaanan ko ng pagtingin/
    ay harapang namamaalam kase kahit pinag aralan ko na banggitin/
    ng paulit ulit ang nadarama lagi pa ring kaba'ng nauuna/
    pero d mo ba batid manhid ka ba wala ka bang napupuna?/
    san ka ba pupunta??pede dito ka na lang sa tabi ko/
    yan ang gusto masabi pero d nasabi at etong nasabi ko/
    cge ingat na lang..bigla kang naiyak kaya binigay ko ang aking/
    balikat at nadarama parang kabag na dinighay ko sa hangin/
    pero bago ka umalis isang sulat ang binigay mo sa akin/
    na laman ay pagmamahal na matagal na hinintay mo sa akin/




    pero kahit na alam kong mahal mo rin ako
    ang tanga ko rin kase...

    sinayang ko ung pagkakataon at sayo d nagtapat/
    kaya ung pangarap ko na maging tayo d naganap/
    at nung mawala ka wala akong ibang ginawa kundi maghanap/
    ng iba pero tang ina nag iisa ka kase sila d matanggap/
    ang pagkatao ko't ang pagkagago ko hangad nilang mabago/
    kaya nung sagad silang magago,agad silang napagod/
    at d natupad ang pangarap nilang basagin pa ang bato/
    na puso,d mo sila katulad na kayang basahin pangamba ko/
    ang tanga ko!kase tangan ko pa rin ang pangarap na/
    na makaharap kat magtapat d naisip na may nahanap ka/
    na palat nagpasya ka na maging masaya sa piling ng iba/
    akoy napailing tang ina kase d ko nagawang sabihin ang isang/
    bagay na matagal na panahon din sa aking puso nakulong/
    ang sakit kase naadik ako kahit d ko gustong malulong/
    nagsising wala ng silbeng sabihin mga salita na nalulon/
    ko noon saka ko nasabing mahal kita ng pabulong/

    ReplyDelete
  3. wl4 ung RAP NIl4 KUYa jaybell
    cla DAW nila DELLO
    SBI NYA skin PANoorin KO DAW
    SYAng

    ReplyDelete