Saturday, January 30, 2010

TRACK 031: Vanjohn - 100 Bars

DOWNLOAD: Vanjohn - 100 Bars

Isa sa mga lumang kanta ni Vanjohn. 100 Bars, walang chorus, tuloy tuloy lang, produced by Zikk.

Isa ito sa mga unang napansing track ng Mongol Unit nung panahong hindi pa Mongols ang hawzmate natin na si Vanjohn. Isa sa mga dahilan kung bakit sya napasama sa Mongols kaya isa sa pinakamahalagang kanta ito sa kanya. Download na!

Friday, January 29, 2010

VIDEO 005 / TRACK 030: Vanjohn - Vanjohn For President


DOWNLOAD: Vanjohn - Vanjohn For President

Isa sa mga lumang kanta ng isa sa ating hawzmate na si Vanjohn.

Shoutouts to Kamalayaang Kalayaan para sa video.

Malapit na ang ID Mixtape!

Wednesday, January 27, 2010

TRACK 029: Vanjohn - Hinahanda Lang Kita

DOWNLOAD: Vanjohn - Hinahanda Lang Kita/Pagpasok

Ito na ang unang promo track sa ID Mixtape ni Vanjohn. Una pa lang yan, ibig sabihin may kasunod pa. I-download na yan! Pakikalat na din sa mga kapitbahay nating mga skwater dyan! Skwaterhawz! Mastered and edited by Skwaterhawz music engineer / beat maker (Saint Michael and Zikk) aka Tumantim.

Patikim pa lang ulam na... ano pa kaya kung yung mismong ulam na? busog ka dyan! abangan sa February 9, 2010!

Tuesday, January 26, 2010

UPDATE 027: I.D Mixtape?

Isa sa ating hawzmate na si Vanjohn ay maglalabas ng Mixtape sa kanyang kaarawan eksaktong 2linggo mula ngayon sa February 9,2010. Pinamagatan nya itong I.D Mixtape. Bakit? Ito ang kanyang sagot:

- I.D kasi... may tatlong rason:

1. I.D as Identification Card - kasi isang taon na din akong nagrarap kasama ng mga batikang rapper tulad nila Zikk, Saint Michael, Dello at Mongol Unit. Ganun pa man marami pa ding duda sa kakayahan ko, kaya naisipan kong gumawa ng I.D para makapasok sa isip at puso ng bawat tagapakinig. Sabi nga nila "No I.D No Entry"

2. I.D as Intelectual Disorder - kasi itong mixtape na to kung normal kang tao sa malamang hindi mo maeenjoy. Pero kung kulang kulang ka o may angking sobra sa talino ng iba, nababasa mo ang mensahe sa likod ng bawat liriko, sinisigurado ko na mageenjoy ka dito.

3. I.D as Isang Dakila - kasi kung susuriin mong mabuti kung panu ko ginawa o pano ko sinulat ang bawat lyrics nito, masasabi mong pinahirapan ko lang ang sarili ko sa pagamit ng Multi-syllable rhymes, mga kakaibang rhyme scheme, patterns, metaphors,at kung ano-ano pa.

Abangan ang mga updates at promo sa mga susunod na araw! Skwatertaym!

Saturday, January 23, 2010

TRACK 028: Arka ft. Dello - And So

DOWNLOAD: Arka ft. Dello - And So

Naimbitahan ng isang kaibigan sa musika na si Arka ang isa ating hawzmate na si Dello. I-download na yan!

Thursday, January 21, 2010

VIDEO 004: Freestyle Lasing Episode 1 (Part 1)



Ito ay ginawa para i-enjoy ng lahat ng makakapanuod. Kung sa tingin nyong di kami marunong magfreestyle enjoy na lang, wag ng... alam mo na!

Abangan ang Skwatervision Part2 (Freestyle Lasing)!

Tuesday, January 19, 2010

Saturday, January 16, 2010

UPDATE 026: Ang Skwaterhawz Ay Grupo...

Hindi naman sa papalakihin natin ang mga nababasa natin sa chatbox. Tutuldukan lang natin ng matapos na. Ganito kasi yan, walang duda si Saint Michael ay magaling, talentado, masipag, at may puso sa rap. Para malinaw sa lahat, nabuo ang grupong Skwaterhawz dahil sya mismo ang humikayat kay Zikk, Vanjohn, Dello para maging grupo ito. Alam nya na ang bawat myembro nito ay isa lang ang pakay. Iangat ang lebel ng rap music sa pinas at ganun din ang gusto nyang mangyari. Eh, di kung ganun... mag grupo na lang at iisa lang naman ang pakay ng bawat isa.

Si Saint Michael magsosolo? ito ang sagot dyan. "Ang Skwaterhawz Ay Grupo" gaya ng pamagat ng post na 'to. Sa bawat kanta, collabs, o ano mang proyekto ng bawat myembro ng Skwaterhawz, sila-sila ang nagiging magkakakumpitensya sa lyrics, topic, flow, multi, at kung ano-ano pang elemento para mapaganda ang rap. Kung magsosolo si Saint Michael, mawawalan sya ng kakumpitensya sa bawat gagawin nya. In short, ang bawat myembro ng Skwaterhawz ay kailangan ang isa't isa para mailabas o mahigitan pa ang talentong meron ang bawat myembro.

Kung iniisip nyo/mo si Saint Michael lang ang nagdadala sa grupo, malamang di mo kilala ang bawat myembro ng Skwaterhawz. Malamang din na hindi mo pa napapakinggan ang Evolution Mixtape ni Dello. Malamang di mo din alam na si Dello ay sasali sa freestyle competion na malapit ng maganap. Malamang di mo alam na maglalabas na ng Mixtape si Vanjohn sa February 9, 2010. Malamang di mo din alam na gumagawa ng Duo Mixtape si Vanjohn at Saint Michael. Malamang di mo din alam na maglalabas ng Album ang Skwaterhawz. Malamang di mo alam kung paano magsulat si zikk, kung panu sya gumawa ng beat, at malamang di mo alam sya ang nasa likod ng malalaking proyektong ito para mapaganda lalo sa pag-eedit. Malamang wala kang alam sa Skwaterhawz...

PEACE! NASA IISANG BAHAY LANG TAYO... NA SA SKWATERHAWZ!

Wednesday, January 13, 2010

UPDATE 025: Salamat Sa www.flipclan.com

Maraming salamat kay Youngmaze sa pagfeature sa amin sa kanyang website. Malaking bagay para sa amin na mapasama sa iyong blog. Propz sa'yo sir!

Pakibisita ang kanyang website ---> Flipclan

Tuesday, January 12, 2010

UPDATE 024: Skwatermic

Kahapon (January 11,2009) ay may session ang Skwaterhawz para magrecord. Pero sa kasamaang palad ang dalawa sa ating mga hawzmate na sina Zikk at Dello ay hindi nakadalo dahil sa mga personal na bagay. Si Saint at si Vanjohn lang ang buminyag sa bagong skwatermic. Nagsimulang bumanat ng 8pm natapos kinaumagahan ng 11am. Nakatapos ng 9tracks/sample sa pagrerecord. Ang mga natapos irecord nina Vanjohn at Saint ay:

Saint Michael and Vanjohn - Bayani ft. Pipoyjohn
Saint Michael and Vanjohn - Letter
Saint Michael and Vanjohn - Nanaginip Ng Gising
Saint Michael and Vanjohn - Onslaught
Skwaterhawz - Rocky
Skwaterhawz - Buhay Musikero
Skwaterhawz - Cotabato
Skwaterhawz - Estudyante Blues
Saint Michael - Kate Dominguez Project

Naka 6na tracks si Vanjohn at 9naman kay Saint. Skwatertaym!

Nextweek ulit!

Note: Ang skwaterstudio ay magbubukas sa publiko sa February.

Saturday, January 9, 2010

TRACK 026 - Skwaterhawz ft. Ayen - We Run This

DOWNLOAD: Skwaterhawz ft. Ayen - We Run This

Mula sa Skwaterhawz, kasama pa ang pinakasexy ng Mongol Unit walang iba kundi si Ayen. Propz to Ayen para sa chorus. Galing!

Ang unang plano ng Skwaterhawz na gumawa ng Mixtape ay nagbago, kaya inilabas na namin ang kantang ito. Hindi na Mixtape ang ilalabas ng grupo kundi isang Album. Original beats, original lahat! Kaya ma-momove din ang paglabas nito at sa ngayon wala pang date kung kelan.

Wednesday, January 6, 2010

VIDEO 002: Saint Michael - Rap Cypher

video
ako ang king ng mic/ hilig mag-spit sabay alis/
dila ay/ makati, tila may galis/
rima ay/ maraming pinatay/
pag sakin sinabay/ para kang kinamay, panis/
makipagbattle ay hindi ko nakahiligan/
bano lahat, maliban/ samin po, yan ang katwiran/
tanggapin nyo nang hindi kayo pwede sa radyo/
lalong di pwedeng pang video, so, wag nyo nang pagpilitan/
kung may pound per pound, ako ang line per line, the best/
patay, kay mike lahat/ tonight, we dine in hell/
si mike to/ so yung video ay i-like mo/
sa comments itype mo/ "idol si santo" at "type ko rhymes mo, ser"/
hindi na patas kung kasale daw si saint/
bakit? hangin nya sa lungs eh parang kamehame wave/
kung kalidad ng droga base sa abilidad ng obra
badtrip dahil bahay namin lang ang laging mare-raid/

- Saint Michael

Tuesday, January 5, 2010

UPDATE 023: Skwaterhawz Session 5

Ayun! Sa kauna-unahang pagkakataon nagkasama sama na ang skwaterhawz! Nagkaroon ng skwaterhawz photoshoot para sa mga darating na tracks at para sa magiging bagong banner, videoshoot ng commercial para sa Resume/Evolution mixtape. Sumulat ng kanta. Nagkainuman! Nagkafreestylan... hahaha yan ang abangan nyo.. ang freestyle ng skwaterhawz! freestyle lasing!

Maraming salamat sa aming direktor na si Pipoyjohn! salamat din sa lahat ng nagpunta. Si Mae na laging present, si Vaynard at kanyang tropa! kitakitz sa susunod ulit!

Para sa Skwaterhawz Session 4