Sunday, October 25, 2009

TRACK 004: Vanjohn - Anthem (Freeverse)

DOWNLOAD: Vanjohn - Anthem (Freeverse)

Freeverse lang para sa inyong lahat kaya idownload na! Madami pang kasunod mula sa Skwaterhawz. Patikim pa lang yan! Apir!

1 comment:

  1. Ito ako, naaaliw sa kakasulat ng tula/
    Papasukan ng tugmang/ pang dalubhasa ang buga/
    Itutuloy ko 'to hanggang ang lalamunan magsugat/
    Susuklian mo lang ng mga balahura na puna/
    sa pagwapohan talo ka/ Sa pagaguhan gago ka/
    dahil nananalo ka lang sa pabahuan ng dura/
    tapos ikaw pa 'tong malakas na mang api/
    ang hirap lang na tanggapin/ parang napapraning/
    ang sarap ng sampalin/ ng mga wanna be/
    wanna wanna wanna be/ mga wanna be/
    at ika'y mayaman sa kwento/ mayabang ka pero/
    wala kang talento/ kaya sayang ang kwaderno/
    kaya pag banat ko'y parang nasagasaan ng tren to/
    dahil vanjohn ang pangalan ng makatang henyo/
    na sumusulat hanggang maubusan na ng tinta/
    at ang resulta nito'y sunog ang mga linya/
    kayang harapin kahit sumugod ang mga siga/
    sigaan na dapat pugutan na ng dila/
    ang aking mga liriko kapag nasuring mabuti/
    mga papuri ay sulit/ walang lugi ang suki/
    pagkat ang susi ay multi/ kayang baguhin ang uri/
    ng masa at panlasa ng mga choosy sa music/
    sa init ng bara nakatamo ng ilang paso/
    at ang nagkalat na bano nakita mo ng ilampaso/

    ReplyDelete