Sunday, October 18, 2009

VIDEO 001/ TRACK 001: Mongol Unit - Punchfest 2



DOWNLOAD: Mongol Unit - Punchfest 2


Punchfest 2 ng Mongol Unit... ito ang unang beses na nakumpleto ang buong Mongols sa kanta! tawanan nyo na lang ang video. hahaha...

propz kay Ayen sa pag gawa ng video...

3 comments:

  1. Ayen:

    ilang beses na kong nahanay sa mga
    magagaling daw na babae na tunog kinama
    kaya kinarma ang mga waka
    nang inang to na di magaya aking porma
    tara halika iba ang kayang ihandog
    kung taglibog ka lang sa boses lika ng maintog
    kumakabog mga dibdib nagkulang lang sa tapsilog
    kung sumusugat na ang liriks nyo edi congrats hambog
    kung pumipristayl ka sa bawat nating pagkikita
    makikita mong mapupunta ang rhymes mo sa bangketa
    payabangan ba ito kung pahayagan lang ito
    mauuna pangalan mo sa mga binayagan ko
    pinayagan ba kita na makatunggali ako
    kapag ako ang tumayo ako lang ang matipuno
    kung chumochorba ka nang sobra leche chaka na ng porma
    cheke lang ang katapat ng mga childish kung tumira

    Bogz:

    ako nga pala si bogz hindi makulay ang dating
    pero may husay at galing at isang tunay na praning
    nung ako bumanat tol nag palakpakan mga tuso
    habang tinatapakan talampakang nagka nguso
    na suot ay terno pa mula ulo hangang paa
    kaso muka paring paa kahit na ipa--ayos
    ganung paring kahit na baliktarin
    sa dati mong ichura ikaw babalik parin
    baka ka liparin kaya humawak nang maige
    pagkat boses ko pre wumawasak nang halige
    di ako gangstah tol simple lang naman
    pero mga isinulat ko matindi ang laman
    taglay ang istilo at di-lang makabago
    ibabaon ang luma pati ang mga bago
    pag ga-mit ang mikropono tila may agimat
    binababoy ko ang mga dilang may pulikat

    Kyxz:

    sa lbm nasaksihan nyo ang aking pagiging kriminal
    ngayon naman sa punchfest utak ko magiging kritikal
    sumusuntok ang aking linya ganyan ka lirikal
    kung puro mura ang awitin nyo eh di yan lirikal
    si kyxz ay bigaten kahit san mo tingnan angulo
    pero mga critics nya tingnan mo ang gulo
    sinilang sa mundo nang rap tatlo ang puyo
    nauubos ang tubig sa batis at nagiging tuyo
    inaatake nanaman ako nang aking sakit na
    pagiging mongoloid at mga titik ay kapit sa
    diding nang kalabang aming na dakip na
    mabibingi ang tenga mo kahit mag takip ka
    sa sargo nang mongol di na kelangan magbanda
    panulat ko di nagtatae dahil hindi panda
    wala kayo sa screamo nang isa saming si pipoy
    ako si kikoy para ko di sing lambot nang tikoy

    Karlito:

    saking pagdating wag kang magsinungaling
    babakat ang kataga parang butiki sa dingding
    kahit sabihin katiting di mo man butingtingin
    tila binti to nang dilag mapipilitang tumingin
    wag mo kong aningin pagkat di ka napapansin
    masyado kang mahina ayun sa aking paningin
    bumagsak man ang bituin at maging tigre ang kuting
    di padin mag babago ang taong nasa salamin
    pangarapin pa na tumalino ang tanga
    mag sipilyo ka na muna ng matangal ang tinga
    lintik ka saksakan ka nang pag kabunas
    imposibleng magkalunas ang taglay mong pagka hudas
    ni mag hugas at mag punas di na kaya tong malutas
    nag tastasan ang retasa upang matakpang ang butas
    na yong lata mo ngayon nakita mo
    na walang saysay ang mga tula ninyo

    ReplyDelete
  2. Dello:

    Sa mongol di makapalag kaya panay lang ang salag mo
    wag ka lumapit baka ikay mabalibag ko
    gusto mo malaman kung ano ang kalidad ko?
    tulad din ni santo malaki din ang bayag ko
    (oooh!) at dala ko yun kahit saan pumunta
    kaya pati asawa mo sakin nagpapakasta
    ano nga ba daw papel ko dito ha? kumusta
    si dello ay walang kaaway kase ubos na
    lahat sila katapat gitnang daliri ko lang
    kami may ipagyayabang kung sa liriko lang
    ginagaya ko istilo mo? okay ka lang?
    wala akong inidolo kundi sarili ko lang
    pinipili ko ang karapatdapat kong samahan
    ang galing di makikita sa tayog ng pangalan
    wala akong preno lahat sinasagad sa laban
    magaling ba si dello? naku tinatamad pa nga yan

    Saint Michael:

    hindi naman po sa pagmamayabang sabik ako sa papuri
    eh number 1 po talaga na check na to at nasuri
    panis kayo saming unit saglit lang po at naulit
    tapos bumenta ng una balik kayo mga suki
    nawawala ang mongols pare asan na kayo?
    ayun babad sa suso para magatasan ang laro
    sabi samin "mayayabang daw kayo"
    ano gusto nyo? plastikan at kami'y magmaka-awa sa bano?
    haler? fresh si santo pambihira na akoy dugyot
    sayang lang ututang dila pag ang dila ay amoy utot
    pag tunay na makata magaling sumuntok
    walang tinapakan pero narating ang tuktok (galing no?)
    boses ko'y nahagupet at liriko ay makulet
    istraktura ng bawat bersikulo ay malupet
    pag si santo nag ingles ang tunog ay parang egoy
    at kapag nagtatagalog ang lahat napapa yeah boy!

    Pasaway:

    pinalaki akong mahusay tipong apat ang ina
    tinira ko naka handusay pitong napa tangina
    napatae na, dahil sa sobra ang kaba
    lumaban sakin ang tanong ko lang na sobrahan ka ba?
    bumubuga ako para makitang nag babaga
    pag lumaban ka parang nakitang nag babaka
    ng baraha na barag wala man lang kabakas
    kung mayabang ka bakit wala man lang alahas
    ng baraha na barag wala man lang kabakas
    kung mayabang ka bakit wala man lang alahas
    at subok ang buhok tutuwid to pag kulot
    respeto ko di mo masasalang kahit san mag pulot
    pang pulot-an ka lang pare wag kang mag taka
    di ka aangat sa akin kaya wag kang mag paka
    gago oh baliw pagkat di kita pag bibigyan
    pag narinig nila ako'y di ka na pakikingan

    Teeyo:

    di mo to maalis paratong nakatattoong
    mataas ang paningin parakong nakatakong
    lagi tinititigan para akong naka thong
    balang araw mga song ko ay minamarathong
    hinahabol ng babae parang papang aga mu
    lach habang ikaw haba ng baba na babalu
    hindi ka ba nalulula sa taas ng
    narating malakas ang dating ikaw ay parang peng
    Gwin pagkat di ka makalipad
    parang itlog na piniprito kay binabaliktad
    ako ay laging handa kahit kelan simulan
    sa talas ay naputol na parang buhok ni mulan
    sige lang tingnan mot hindi maawat ang dura
    at mahirap tanggalin parang tigyawat sa mukaa
    teeyo at ngaun iniihandog
    kung ayaw mo ang aming flavor to pagkain ng dog

    ReplyDelete
  3. Zikk:

    di ko gusto na sa lirikal ka maangasan
    kase mas gusto ko na literal kang mabangasan
    so ano susugal ka pa rin cge bahala ka
    pag nagkrus landas naten pare kakara ka (haha)
    kase naapoy ang galit ko kahit akoy di sinalang
    kaya bago maabo at mataboy magdc na lang
    sa ym kase alam nating hanggang pc ka lang
    ni di mo kakayanin c ayen sa labang pisikalan
    para kang machong nachupang sinusuka ay tamod
    d manganak ng palakpak ang banat na pinasukan ng baog
    na letra mo..so ano pang sasabihing bwelta mo
    kung panira mo ineentra mo sa sariling pwerta mo? (haha)
    kaya wala kang baryang bayad kase walang madlang payag
    sa awit na hind natigas kahit adik ka sa mariang palad
    at kung tanong mo bkit d ka naming pinatay agad
    takbuhin ka kaseng parang nagtataeng di nagdiatabs

    Vanjohn:

    Kami pag nag rap kasama sa puhunan ang puso
    Sa inuman kuntento na kahit pulutan ay puto
    Isa sa misyon namin na turuan ang bobo,
    Kung ayaw mong matuto dapat lang pugutan ng ulo
    Ang mga kanta mo di na dapat pinapatulan
    Dapat dito binabasura kase pinakakupal
    Di tulad ng mga obra ko na pinagplanuhan
    Ng husto at pinagpaguran na lagi kong inaatupag
    Mas angat pa mga banat ko kay bayani agbayani
    Pagdating sa tugmaan, ako ang palaging naghahari
    Kung tatapat ka sakin, masabi lang na bawi
    Sukat ng galing mo ay mahahati sa kalahati
    Dahil kami mga mongols ay hari sa tugmaan
    Mamahalin pag bumanat kaya madami ng humanga
    Kase nagsusulat kami hanggang pagsapit ng umaga
    Para paakyatin ang inyong ari sa bunganga

    Dreh:

    Di ko kaylangan nang barbero pag dating sa palupitan
    kung mag iipon ka nang buhok dun ka sa pagupitan
    Pagkat ulo ko kalbo nang wala kang makapitan
    Pagtakbo nang yong hukbo mga kagawad at kapitan
    Kahit sino lalapitan kung mag datingan sila
    mga bakla nagsi palitan kumag dati lang sila-
    his naka bihis pa--libhasa party
    terno ang suot pa--ti bra sa panty
    para bongga daw kapag nasa entablado
    makulay ang damet parang pambalot sa regalo
    pang hakot daw sa tao bukol at pasa nila
    nung marineg ang mga mongol sabe nyo pasali na
    nagliparang mga bara para dun sa naglipanang
    mga harang humambalang sa patlang ay nagiba nang
    maranasan ang bugbugan sa tugtugan na tutunan
    hindi ka parin papantay kahit na may tuntungan

    ReplyDelete